#Poem11

53 0 0
                                    

Siya o ako?
Yan ang madalas kong marinig sa radyo
Ako'y natatawa
Sino nga ba sa aming dalawa?
Ako'y naiinggit sa iba
Pagkat nagagawa nilang itanong 'yon sa mahal nila
Ngunit ako, hindi, hindi ko kaya
Dahil natatakot ako sa sagot na aking maririnig
Alam ko naman kasi kong ano ang kanyang himig
Alam kong bawal ang ipagpilitan ang sarili sa iba
Pero wala eh, hindi talaga mapigilan ang puso kong tanga
Kaya sa aking pagtawa nalang idadaan
Ang mga sakit na gusto ko sanang iwasan.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon