C

42 0 0
                                    


Tanging pangarap na lang ba talaga kita?
Yaong sa mga panaginip ko lang makikita
Ang mga matatamis na ngiti sa iyong mga labi
Dahil sa wakas nakamit mo na rin ang iyong minimithi

Minimithi mo na sana'y ako
Umaasa na minsan pinangarap mo sana maging tayo
Yaong tipong gugustuhin mong ako ang iyong makasama
Kahit paghihirap man iyan o di kaya ay masaya

Pangarap na lang ba talaga
Hanggang isipan na lang ba talaga kita
Sana magising nalang ako isang araw
Ang kapiling ko na'y ikaw

Kahit hindi man 'yan ngayon
Kahit matagal pa na panahon
Ako ay maghihintay
Basta ang pangarap ko lang ay mabigyang-buhay.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon