Oo, merong ikaw at ako
Pero alam natin na walang tayo
Ang lahat ng ito ay isang pagkukunwari
Ako alang si tanga na nahulog sa matatamis na salita na nagmula sa iyong mga labi
Umaasa na balang araw, magiging katotohanan
Na ang ating kunwarian ay magiging totoong pagmamahalan
Pero hindi pwede,
Ito'y isang malaking imposible
Dahil ako lang ang kumakapit
Tinitiis ko kahit masakit
Dahil ako'y umaasa
Na sana, ako naman at hindi siyaPero sinong niloloko ko diba, hindi mangyayari iyon
Kahit maghintay man ako ng maghintay
Wala pa rin, iba pa rin ang hinahanap mo
Kaya dapat matuto na ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...