“Darating ang panahon ako ay istorya nalang”
Eureka C.BianzonDarating ang panahon sa larawan nalang ako makikita
At sa mga tula nalang madarama
Gayunman nawa’y mahawakan ko padin ang inyong pusong nagdurusa
At mabigyang ngiti kahit man lang pansamantala
Darating ang panahon ako ay sa tanging pangalan nalang
Mababanggit at hindi na matatanaw man lang
Subalit dumating man ang panahong iyon
Nawa’y maiwan ko
ang inspirasyong dulot ng aking kahapon
Darating ang panahon ako ay istorya nalang
Aking mga akda ay ala ala na lamang
Nawa’y makasama ko padin kayo kahit ako’y wala na
Sapagkat sa puso ko hanggang langit kayo ay aking kasama
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...