Bisita mo

46 1 0
                                    


Ang direksiyon papunta sa iyo ang pinakamahirap na daan na natahak ko,
Akala ko madaling matuklasan ang pintuan papasok,
Taliwas sa aking pag-aakala, ang daang iyan ay wala pala,
Kahit anong hanap ang aking gawin sa pintuan, wala akong makita
Gusto ko na sanang humingi ng back-up, magplano ng iba para mapadali
Ngunit naisip ko, pinasok ko pala to ng mag-isa at ako ang pumili
Ang tanging dapit gawin ko lang ay magsikap,
Maghanap ng lagusan, di bali ng di pintuan,
Makapasok lang ako sa mundo mong walang bisitang pinayagang makapasok kailanman.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon