#Poem14

45 0 0
                                    


Ilang gabing hindi makatulog
Dinaramdam ko ang hinanakit at pagod
Bakit?  Bakit ka sumuko sa akin?
Bakit nag-iba na ang iyong pagtingin?

Ano ang dahilan?
Katanungang hinahanapan ko nang kasagutan
Ngunit hanggang ngayon hindi mo pa rin masagot
Sa bawat usisa ko ika'y nababagot

Ganon-ganon na lang ba iyon
Kaya mong ipagpalit ang ating matagal nang relasyon
Hindi ka ba nasasayang sa matagal na panahon nating pinagsamahan?
Bigla-bigla ka na lang magbabago, at ako'y iyong papalitan

Please lang,  sabihin mo kung ano ang nagawa ko
Baka pwede ko pang baguhin at humingi ng tawad sa iyo
Sa aking pagsusumao, sana'y iyong marinig
Mga katagang namumutawi sa aking bibig

Tigilan mo na ang ginagawa mo
Kahit hindi mo ako dinidiretso alam ko kung ano ang iyong gusto
Pakawalan kita, iyan ang ibig mo diba
Pero ipagpasensiya mo hindi ko talaga kaya

Isang tiyansa lang, kahit ito na ang huli
Pagbigyan mo sana ako ngayon binibini
Huwag kang lumayo sa akin nang tuluyan
Iisipin ko pa lang para na akong langgam na walang silungan

Huwag mo kong hayaang magdurusa nang matagal
Maawa ka naman sa akin kahit ngayon lang mahal
Ako sana ang iyong piliin?
Sana ako pa rin ang iyong mamahalin,

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon