Ang ating istorya

43 0 0
                                    

Ang kwento nating dalawa ay parang isang aklat
Sa bawat pahina na ating binubuklat
Ay may kanya-kanyang storya, may ibat ibang taong bida
At ako isa sa mga tauhan kagaya mo
Ikaw ang bidang lalaki at ako naman ang bidang babae
Oo pareho tayong bidang dalawa
Iyon nga lang sa parte lang ng simula
Dahil iba pala ang kapareha mo sa istoryang ito
Dahil may iba na papasok sa eksena
May iba na gugulo sa takbo ng ating kwento
Ang dating posisyon ko sa buhay mo ay biglang nagbago
At ang masakit na katotohanan ay siya na pala ang pumalit sa posisyon ko,
Sa isang iglap ang kwento nating dalawa ay nagwakas
Mahirap,  masakit, oo
Pero ngayon naisip ko
Wala palang nagwakas dahil lahat ng ito ay nagsisimula pa lamang
At ang estoryang kinabibilangan ko ngayon, ako'y isang hamak na extra lang
Sa akin nga nagsimula ang kwento
Pero hindi naman ako ang nasa dulo
Aanhin ko naman iyon diba
Kaya isasara ko na muna ang kwentong ito pansamantala.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon