Ikaw, Ako, Sila

44 1 0
                                    


Isa sa pinakamasakit na nangyari sa aking buhay
Ay noong tayo ay naghiwalay
Hindi dahil may iba ka o may iba ako
Kundi mas pinili mong maniwala sa iba kahit di totoo

Pinili mong maniwala sa kanilang mga pagsisira
Kinalimutan mo ang iyong mga salita
Nasaan na ang ipinangako mong tiwala?
Sa isang iglap biglang nawala!

Ano bang laban ko sa kanila
Nag-iisa lang ako't marami sila
Sana inisip mo iyon?
Diba alam mo naman na hindi ako ganoon?
Bakit parang ang dali mong sumuko sa isang hamon?

Hindi mo ba naisip na parang pinadali mo lang ang lahat sa kanila,
Iyong relasyon natin na pangmatagalan sana noong una,
Ay nasira lang nila na walang kahirap-hirap
Na kung saan binuo ito dati nang buong puso't pagsisikap.


Sana naman, naisip mo na ngayon
Kung gaano kababaw ang iyong rason
Itatak mo sa iyong isipan
Ni minsan di kita nagawan nang kasalanan
Ganoon kita kamahal
Di nga kita sinasakal
Pero kabaliktaran ang sa iyo
Ika'y marupok, madaling Masir ng ibang tao.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon