Sa aking paglakad

43 2 1
                                    

Nagsimula tayo sa isang bawal na relasyon,
Patagong nagkikita para maiwasan ang komosyon,
Bakit ko nga ba ito pinili?
Ay oo nga pala, mahal kita kahit ako'y may kahati
Nakakabobong sitwasyon,
Nakakagagong desisyon,
Pero wala akong magagawa
Mahal kita, at pakiramdam ko ito ang tama

Wala akong pakialam sa kanila
Kahit sila'y bumibitiw ng mga masasakit na salita
Ang mahalaga ay kapiling ka
Doon pa lang okay na
Ipipikit ko na lang ang aking mga mata,
Tatakpan ang mga tainga
Lalakad na parang walang mali
Lalakad na parang ikaw aking pagmamay-ari kahit na ang lahat ng ito ay bunga lang ng isang pagkakamali.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon