Perpekto tayo diba?

30 0 0
                                    

Tandang-tanda ko pa kung papa'no tayo nagsimula
Naaalala ko pa kung gaano ka kasaya
Nang sabihin ko ang mga katagang "Oo, tayo na"
Ang dalawa mong mata ay kumikinang sa tuwa
Kasabay ng mga ngiti na sa labi mo'y kumurba
Wala na nga yata pang isasaya
Araw-araw tayo palagi ang magkasama
Meron tayong sariling mundo
Wala tayong pakialam sa ibang tao
Perpekto tayo 'yan ang sinasabi nila
Perpekto tayo 'yan ang sinasabi mo
Kaya natuto akong inuukit sa aking isipan na tayo nga'y perpekto
Yaring wala na ngang ihihiling pa
Basta tayo lagi ang magkasamang dalawa
Oo perpekto tayo
Pero lahat ng iyon nagbago magmula nang dumating siya
Ang dating saya mo kapag ako'y iyong nakikita bigla nalang nawala
Bagkus napalitan ng inis at ako'y iyong sinisigawan
Nasaan na ang matamis nating pagmamahalan?
Iyong ako palagi ang nasa iyong tabi ay nagwakas na nga yata
Dahil ang libro ng kwento niyo'y nagsimula na
Masakit sa damdamin, ngunit kailangan kong isarili lamang
Hindi ko dapat ipagkalandakan na ako ang nauna at siya'y pangalawa lang
Hindi ko kaya, mahirap kalimutan ang mga ala-ala nating dalawa
Na sa isang iglap biglang naglaho na parang bula.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon