Isa ka
Jeanebeth Nesperos
Isa ka sa mga taong gusto kong ingatan
Yong tipong gugustuhin kong makasama't alagaan
Isa ka sa mga taong ayaw kong mawala
Ang gusto ko makasama ka hanggang sa pagtandaIsa ka sa mga taong minsang bumuo sa buhay ko
Pinunan mo ang kulang sa aking pagkatao
Isa ka sa mga taong nagpatunay na ako'y may halaga
Sinikap mong iukit iyon sa aking alaalaIsa ka sa mga taong minsan naging sentro ng aking mundo
Minsan ng nangyaring sayo lang umikot ang pagkatao ko
Isa ka sa mga taong minsan akong ginusto
Nangyari nang pinaglaban mo ako sa harap ng maraming taoIsa ka sa mga taong minsang nang nanindigan
Minsan mo nang napatunayan na kaya mo kong ipaglaban
Isa ka sa mga taong nagpatibay sa aking sarili
Kaya hinangad ko na sana makasama kita hanggang huliIsa ka sa mga taong inalayan ko ng buong pagmamahal
Lahat ng maaaring hadlang 'di ko ginawang sagabal
Pinilit kong ipagpanalo ang lahat kahit mahirap
Ginawa ko ang aking makakaya, ubod ng pagsisikapNgunit isa ka din sa mga taong minsan na akong binigo
Iniwang sawi at mundo'y gumuguho
Walang saysay ang mga salita mo noong una
Wala kang balak panghawakan iyon sa simula't simula paIsa ka sa mga taong minsang gumulo sa tahimik kong mundo
Binigyang kulay ang aking pagkatao
Ngunit lahat nang iyon pawang kasinungalingan
Ni isa walang totoo, lahat ng ipinakita mo pura kaplastikanIsa ka sa mga taong naging parte ng buhay ko
Isa ka sa mga taong mamahalin ko na sana ng buong-buo
Isa ka sa mga pinakatamang nangyari sa buhay ko
Ngunit isa ka din sa mga pagkakamaling pinagsisihan ko nang buong-buo.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...