Paalam na

89 3 0
                                    

Kulang ang salitang patawad na sa lahat ng kasalanan mo
Hindi mapapawi ng sorry mo ang sakit na dinaranas ko
Kaya huwag kang umasta na parang okay tayo
Dahil ang totoo,  malabo pa sa baha ang ating estado.

Kung maaari rin, kunting distansiya naman
Distansiya para tuluyan na kitang makalimutan
Huwag mo na kasing ipilit ang mga bagay na hindi na maaari
Dahil minsan mo na kong sinira at iniwang sawi

Pasalamat ka nga hindi kita ginantihan
Pasalamat ka hindi kita tuluyang kinamunghian
Dahil kung ganoon, ewan ko na lang kung nasaan ka na ngayon
Ay mali,  siguro nasa kulungan na ako kung ganoon.

Ganoon kita kamahal,
Handa kitang ihatid sa kamatayan
Ganunpaman,  hindi ko ginawa
Mas pinili ko pa ring gawin ang tama.

Paalam na, dito na talaga.
Matuto kang dumistansiya.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon