#Poem10

40 0 0
                                    

Isang panibagong estorya na naman
Mga bagong pahinang sabay nating susulatan
Bubuuin ang panibagong kwento ng ating pagmamahalan
Ang kwento, atin nang simulan.
Gusto kita, mga salita mo noong una
Pinanghawakan ko para lang makasama ka
Hindi ko minsan inisip
Na darating ang araw na ika'y maiinip
Sa aking minsang pagkaidlip
O kay bilis nagsimula ang kwento nating dalawa
Ganon din kabilis ang paglaho nito na parang bula
Sana naman naghintay ka kahit saglit
Wala naman akong pinaramdam sa iyong sakit
Kunting tiis lang sana ang iyong ginawa
'Di iyong nang-iwan ka na lang bigla
Ang aklat na sabay nating sinimulan
Ang isang bida ay naglaho bigla sa kawalan
At ako,  ako na iyong iniwan
Ang istoryang ito ay mag-isa kong wawakasan

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon