Sa Bawat

61 0 0
                                    

Sa Bawat
Jeanebeth Nesperos

Sa bawat sulyap sa dalawang bilog
Hindi ko maiwasan na paulit-ulit nalang mahuhulog
Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman
Bugso ng damdamin hirap iwasan

Sa bawat pagngiti mo sa akin
Pinupukaw mo sabay ang natutulog kong damdamin
Hindi ko mapigilan na ako'y mangamba
Pintig ng puso gusto nang makawala

Sa bawat paglapit mo sa akin
Hinihangad ko na balang araw ako'y iyong mamahalin
Hindi man ako sigurado kung meron mang chansa
Pero kahit na maliit lang ang porsyento patuloy parin akong umaasa

Sa bawat oras na tayo ay magkasama
Binibigyan mong buhay ang salitang may pag-asa
Mga hinaing ng pusong nag-iisa
Mga kasagutan, ibigay mo sana

Sa bawat oras na tayo ay may iba't ibang ginagawa
Hindi ko maiwasan na ako ay mangamba
Mga paninira nila sa akin na winiwika sa iyo
Huwag ka sanang maniwala,  hindi iyon totoo.

Sa bawat oras na ikaw ay harapang umiiwas sa akin
Batid ko na kung ano ang ibig mong sabihin
Na sa kanila ka mas naniniwala at nakikinig
Kaya mong itapon lahat,  iyon ang iyong ibig

Sa bawat sakit na aking nararamdaman
Ni isa hindi ko kayang isisi sayo nang tuluyan
Dahil umpisa palang alam ko naman talaga kung ano ako sa iyo
At ako lang iyong pilit humawak sa katagang 'balang araw may tayo'


Sa bawat hinaing ng aking pusong sawi
Sinusulat ko sa tula ang aking mga pait at pighati
Umaasa na sana isang araw makita mo ang kahulugan ng mundo
At mapagtanto mo na ako pala ang kailangan mong tao.

Sa bawag pagsulat ko ng mga tula
Hindi ko mapigilan ang mga luhang pilit kumakawala
Kaya sa ngayon hanggang dito na lang muna
Wala pa rin akong ibang hiling iyon ang makasama ka.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon