Nakita ko siya noong isang araw
May kasamang babae, girlfriend niya raw
Ako'y huminto, napaisip saglit
Isang katanungan lang ang hinahapan ko ng pilit
Pilit na kasagutan kong bakit
Ano bang nakita niya sa kaniya?
Pareho lang naman kaming hindi maputi
Iyon nga lang siya punong-puno ng palamuti
Mula ulo hanggang talampakan
Punong-puno ng aksesorya ang katawan
Ako'y naguguluhan, nag-iisip
Sana sinabi niyang ganoon pala ang kanyang mga hilig
Para naman malaman ko
Hindi na sana ako nag-aksaya ng mga minuto
Minutong pagsulyap sa kanya
Sa mga panahong akala ko na kagaya ko ang mga tipo niya
Pero ganoon talaga
May mga bagay na di mo hawak
Kahit anong abot mo, di mo kaya dahil malawak
Parang siya,
Na parang ulan
Kahit pilit ko pang hawakan
Di ko magawa at wala na nga yatang paraan
Para siya'y maging bahagi ng aking kalawakan.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...