Ang Hirap

104 1 1
                                    

Mahirap palang kalimutan ka,
Iyong tipong sa bawat paggising ko ikaw parin ang inaasam kong makasama
Bakit ba kasi bigla kang nagbago?
Nasaan na iyong pangako mong tayo lang at walang susuko?

Ako ba? Ako ba ang nagkulang?
Kung ako sana sinabi mo na lang
Sana ipinaalam mo sa akin
Sana hanggang ngayon tayo parin
Pero wala eh, wala kang ginawa
Sumuko ka at ipinagpalit mo ako sa kaniya
Ano bang meron siya na wala ako?
O sadyang mas type mo lang talaga ang pinaglumaan na ng iba?

Kapag nalaman mo ito
Hindi ako magsisisi
Sana magising ka na
At malaman mong nagkamali ka talaga.

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon