Ikaw ang taong pinangarap kong makasama hanggang sa dulo,
Iyong tipong ikaw lang ang pag-aalayan ng pagmamahal ko,
Kahit parang nakakasukang pakinggan ng karamihan,
Wala akong pakialam dahil ikaw, ikaw ang taong handa kong ipaglabanBuo na sana ang pasya ko,
Determinado basta ikaw ang kapalit ng sakripisyo ko
Pero biglang nagka-argabyado,
Natakot ako dahil ika'y naguluhan
Turan mo'y nagbago bigla ang iyong nararamdamanSa ating pagtakbo, tayo'y huminto
Mundo ko parang biglang gumuho
Mga tanong, ikaw lang ang kasagutan
Mahal, di mo na ba ako kayang ipaglaban?Habang hawak ang kamay mo, labi koy nanginginig
Batid kong ako na'y nanlalamig
Yaring mga susunod mong salita, di ko gustong marinig
Pero oras ay di mapigilan
Ako'y iyong hinarap, kamay ko'y iyong binitawan
"Pasensiya na, di ko kayang magsinungaling
Siya pala ang gusto kong makapiling"
Hindi ko alam kung paano ako magre-react
Kulang pa ang salitang, I am shock.
Hindi ko lubos maisip,
Ang limang taong pagsasama ay kaya mong ipagpalit
Sa taong isang buwan mo pa lang nakalapit.Kahit na ganoon, wala akong magagawa
Nagdesisyon ka na at siya ang pinili mong makasama
Kahit masakit ako'y ngumiti
Pilit na itinago ang nararamdamang sakit at pighati
Sa pagkakataong ito, malaya ka na
Maaari ka ng maglakbay mag-isa
Sana sa dulo kayo pa rin talaga
Sana sa dulo, ikaw ang tama
Sana da dulo, mas masaya ka na.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...