#Poem9

41 0 0
                                    


Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagkakilala
Tumatakbo ako noon nang mag-isa
Naramdaman ko na ang pagod sa aking sistema
Kaya ginusto ko sanang sumuko na
Ngunit bigla kang dumating sa tabi ko
Sinabayan mo 'ko sa aking pagtakbo
Inalalayan sa bawat pagtigil ko upang magpahinga
Ngunit ang tanong ngayon hanggang kailan ba?
Hanggang kailan ka nand'yan?
Hanggang kailan mo ako sasabayan?
Hanggang dito ka lang ba o aabot tayo sa finish line?

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon