Ikaw
ni: Sweet LapuzAng iyong mga daliri
Ang siyang sumusulsi
Sa napunit na nilupi
Ng damdamin kong tiwali!Sa masamang bumaliti
At sa daigdig na imbi
Ang kamay mong mapagtimpi
Ang ibig kong kumakanti.Palad mong may kandili
Sa lahat ng sumasapi,
Ang tunay na nagwawagi,
Na wika kong sinasabi.At ang bisig ng punyagi,
Na nagbibigay ng lunti,
Ay hinding-hinding-hindi
Hindi ko maisasaisantabi.Mag-ingat nawang mabuti
At manalanging matindi,
Upang Gabay ay mangyari,
Sa kaluluwa mo ay pumuri!(kayod-kalabaw 2012)
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...