Kailan pa?
Panibagong araw na naman
Panibagong sakit na mararamdaman
Bawat sulyap na iginagawad ko sa iyo
Ganoon rin ang katumbas ng saksak na inaabot koNgunit kahit ganoon
Mahirap bawat pagdaan ng panahon
Pinipilit ko pa ring ipaglaban ka
Kahit alam ko naman na wala na talaga
Kahit sa ganito man lang, masilayan kitaDi bale na lang walang tayo
Ang importante masaya ka sa salitang 'may kayo'
Maghihintay nalang ako sa oras
Na ang pag-ibig kong wagas
Ay tuluyan ng kukupasPero kailan pa nga ba iyon?
alam
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...