SEKRETO lang sana

16 1 0
                                    

Sekreto lang sana

Iyon sana'y isa lang sekretong paghanga,
Tipong titingnan lang kita sa malayo na walang nakakakita,
Pasimpleng ngiti mo na sa akin nagpapasaya,
Mumunti mong kilos, umaayos sa magulo kong umaga,

Pero ang sekreto lang dapat sana biglang naglaho,
Ang pagsulyap ko sa iyo'y napansin ng mga kaibigan ko,
Ako'y hindi tinigilan, pinapaulanan ng mga tukso
Hiyang-hiya ako, alam kong nalaman mo na na may gusto ako sa iyo,

At ang ideyang iyon ay hindi ko gusto,
Sekreto lang dapat pero ba't biglang nagkaganito?
Pinilit kong umiwas sa iyo,

Alam ko kung saan ka namamalagi kapag wala kang klase,
Minsan sa canteen, sa AC, kadalasan diyan lang sa tabi-tabi,
At ang mga lugar na iyon ang iniiwasan kang puntahan,
Kakalimutan na sana kasi kita,

Pero hindi pala ganon iyon kadali,
Akala ko kasi noong una ganoon lang ka simple,
Pero ngayon alam kong isa iyong napakalaking mali,
Bawat araw na hindi kita nakikita,
Napapansin nila na nawawala ang saya sa aking mga mata,

Hindi madali, oo,
Pero alam ko na ako'y pursigido,
Kaya huwag ka ng kabahan,
Wala akong planong ituloy ang aking kahibangan.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr.  Hugutero (once broken)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon