Kahit anong pagpupursige ang aking gawin
Di ko parin siya magawang mahalin
Ikaw kasi eh, ano bang ginawa mo sa akin?
Hanggang ngayon ikaw parin ang tinitibok nitong aking damdaminKahit ilang taon na ang nagdaan
Malinaw pa rin sa aking alaala ang ating nakaraan
Masayang kahapon na parang wala nang bukas
Ngunit ngayon ang aking sakit na dinaranas
Dahil sa iyong biglaang pag-alis
Ay wala na nga yatang lunasKung pwede lang sana na siya ang aking piliin
Kung pwede lang sana na siya nalang ang aking mahalin
Eh di walang malungkot
Iyon nga lang, kahit anong gawin ko di parin kita malimot.Ang pagkakapit mo sa dingding ng aking isipan
Napakahigpit, ayaw mong lumisan
Ngunit ikaw sa buhay ko, wala kang planong manatili
Kaya ang iwan ako ang pinili mo sa huli.Pero ano pa bang saysay ang aking pagdadrama ngayon
Kahit ano pang gawin ko hindi na dadating ang panahon
Panahon na kung saan babalik tayo kung ano tayo sa nakaraan
At sabay tayong umalis sa kasalukuyanDapat ay matanggap ko na nang buo
At hindi dapat ako nalilito't nagugulo
Matagal nang walang tayo
Hindi na maaari ang ikaw't ako
Ang tanging pwede lang ngayon
Kalimutan ka at mahalin siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...