Alam kong hindi ako
Alam kong walang tayo
Alam kong iba ang gusto mo
Pero di ko maiwasang humanga sayoAlam kong bawal kang pangarapin
Alam kong di ka na pwedeng mahalin
Alam kong iba ang nais mong makapiling
Pero ako ikaw lang ang aking nagiisang hilingAlam kong malabo ang aking mga sinasabi
Pagkat wala kang ibang nais kundi siya, sa iyong tabi
Alam kong hindi darating ang oras
Na maisip mo na ako ang iyong bukasAlam kong sa bawat oras na ako'y umaasa
Iyong din ang mga oras na siya ang iyong kasama
Alam kong kahit anong gawin kong pagsisikap
Ikaw, mananatili parin na nagiisa kong pangarap.
BINABASA MO ANG
Mr. Hugutero (once broken)
PoetryHighest rank achieved-4th in poetry (October 21, 2018) Mga katagang sa sulat lang niya mailalahad nang buong-buo Mga emosyong kaytagal nang binaon at tinago-tago Bibigyan na ng tuldok ang lahat ng hinagpis at pait Iiwan na nang tuluyan ang mali at n...