"Aandar na Cubao! Cubao! Maluwag pa oh"
"Teka. Aray ko. Saglit lang manong! Wag naman ho kayong manulak. Tek- ano ba- kuya! Kapag nga naman tinamaan ka ng lintek. Ang dameng tao sa bus. Siksikan. Mainit ang panahon pero mas nakakainit ng ulo ang mga tao at ang samu't saring amoy na nangmomolestya sa ilong ko."
"Urong-urong lang ho oh! Derecho ho tayo sa dulo!"
"Hala kuya. Wala ng lugar sa dulo o. Tapos uusog? Sa labas? Letseng araw talagang to. Di ko alam kung sino ang nagbulong sakin na masamang espiritu para ngayon pa mag-file ng scholarship kong ito."
"Iha, urong ka ng konti sa dulo. Paki lang."
"Saan ako uurong?! SAAN? Sabihin niyo sakin pwede ba? iritang irita talaga ako sa bus na to pati sa mga tao. Sa amoy. Sa mga kili-kiling nakataas. Sa usok. Sa tulakan. Sa biglang pagpreno. Sa paulit-ulit na pagsasabi na umurong ako sa dulo at higit sa lahat sa mga lalakeng absent ata sa GMRC ng ituro ang pagiging gentleman."
"Miss. Dito ka na." kinalabit ako sa braso. Tumayo siya at umupo ako. Tumingin ako sa kanya pero nakatalikod na siya. Infairness, likod-genic siya! "Salamat" sabi ko. Di niya ko pinapansin. Kinalabit ko ulit siya sabay sabi na "Uy, thank you." Bahagya siyang lumingon. Di ko nakita ang mukha niya. Malabo ba ang mata ko? kinuskos ko ang mga mata ko at nagulat ako na konti na lang ang tao sa bus."Mga Cubao d'yan oh. Malapit na." Sigaw ng bungangerong kundoktor.
Ano yun? Sino siya? Totoo ba ang nangyaring iyon? O isa lang panaginip?
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...