Niyakap ko siya at niyakap niya din ako. Tumigil ba ang oras? Bumagal ba ang ikot ng mundo? Ganon kasi ang pakiramdam ko.
Ang saya-saya ko. Tumatalon ang puso ko sa saya. Sa higit ng pagkakayakap ko kay Daniel, parang madudurog ko na ang katawan niya.
"Kat..."? sabi ni Daniel habang nakayakap.
"Hmm? Ano yun Daniel?" sagot ko?.
"Hmmm.... Wala lang." matipid na sagot niya sabay tungo sa balikat ko habang nakayakap.
Umalis ako sa pagkakayakap at tinignan siya ng harapan at tumingin din siya sa kin.
"Daniel. Mahal na ata kita." derechang sinabi ko habang nakatingin sa mata niya,
"Ako din."
Ang tipid ng sagot ni Daniel na sinasabay ng pagtungo niya na parang nahihiya. Kung sa iba ay nakakainis ang ganon para sa kin katangian niya yung lalong nagpapahulog sa kin para sa kanya.
Tumayo kami ni Daniel sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang kamay ko at lumakad sa palibot ng lugar.
Kung kanina ang bagal ng takbo ng oras ngayon ay sobrang bilis. Parang napapanood ko ang mga sarili naming nagtatawanan, masaya at inlove na inlove.
Tatlong magkakaibang beses ang damit ko na nagpabago bago at ganun din siya. Parang 3 days kaming magkasama ng masaya. Walang problema, walang iniisip, walang kasama kundi ang isa't isa.
Umupo kami sa ilalim ng puno na lagi namin inuupuan.
"Kat."
"Hmm... Daniel? bakit?"
Nilapit niya ang mukha niya sa kin. Naririnig ko ang tibok ng puso ko. Ang lakas at ang bilis.
Hinalikan niya ako. Parang magic ang lahat. Lahat ng pinangarap ko parang nagkakatotoo.
"Mahal kita. Sigurado na ako dito Daniel." sinabi ko ng may ngiti.
"Ako din. Kahit na alam kong di to totoo." sagot niya.
Sa unang pagkakataon hindi siya tumungo pagkasabi niya ng mga salita. At sa una ding pagkakataon ay di ako natuwa sa sinabi niya. Nakatingin lang ako sa mata niya.
Pakiramdam ko ang layo layo niya sa kin. Para akong nahuhulog sa sa mga mata niya. Walang lumalabas na salita sa labi ko. Unit-unting tumulo ang luha sa mata ko. Ngumiti siya ng bahagya, ang ngiti niya nung una ko siyang makita.
"Kat..."
Wala akong masagot. Tumutulo pa din ang mga luha ko.
"Kat?"
"Kat!"
"Uy Kat-kat! Gising."
Si Mama ginigising ako sa pagkakatulog ko sa sofa sa bahay ng pinsan kong si Istian.
"Uwi na tayo? isang oras ka din nakatulog. Tska nak, umiiyak ka ba?"
Pinunasan ko ang luha sa mata ko.
"Okay lang ako ma." puno ng kasinungalingang sagot ko.
Umuwi kami sa bahay nila Mama at Lola.
Malinaw na sa akin ang lahat. Si Daniel... Si Daniel... Si Daniel... ay isang panaginip lang....
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...