Setting: Labas ng coffee shop.
"Yna. Ano bang problema mo?" tanong ni Daniel.
"Wala."
"Wala? Bakit ba ganyan ang mga babae. Wala, wala. Pero pinaparamdam na meron. Wala naman akong turban o crystal ball para pagkamalaman mong manghuhula." sabi ni Daniel.
"Yan ang problema sa'yo Daniel e. Hindi ka marunong umintindi. Ni hindi ka marunong magbigay ng space pag may problema o dinadamdam ako." sagot ni Yna ng nangingilid ang luha.
"Space? Ano tayo si Popoy at Basha? Yna. Kung may problema ka edi sabihin mo. May magagawa ba yang pananahimik mo? Sorry ha, pero di ko maintidihan at wala ako sa mood umintindi ngayon kaya kung pwede ba kung gusto mo ng tapusin tong relasyon naten sabihin mo na. Tutal dun din naman yung gusto mong iparating." maangas na sagot ni Daniel.
"Mahal kita Daniel..." mahinang sabi ni Yna kasabay ng pagpatak ng luha niya.
"Ayun naman pala e. Wag ka ng umiyak. Nasa labas pa tayo. Yang mga jeep sa kabila kitang kitang nagaaway tayo." sagot ni Daniel sabay hawak sa kamay ni Yna.
"Hatid na kita tara. Ok na yung kotse ko. Di na natin kailangan magcommute."
Hawak-kamay na pumasok sa kotse si Yna at Daniel.
"Daniel..."
"Hmm? Bakit?" sagot ni daniel habang nagdidrive.
"Bakit mo ko gusto Daniel?" tanong ni Yna sabay tingin.
"Ha? Bakit mo naman natanong yan?"
"Basta. Bakit nga?"
"Kasi maganda ka. Sweet. Matalino. Mabait tska ano pa ba. Hmmm.." sagot ni Daniel.
"Ok na. Tama na Daniel, alam ko na."
Ngumiti si Daniel habang binaling naman ni Yna ang tingin niya sa labas ng bintana ng kotse.
"Mahal mo ba ko Daniel?" tanong ni Yna habang nakatingin pa din sa bintana.
"Ano ba namang tanong yan? Magsisimula na naman ba tayo." sagot ni Daniel.
"Eh bakit di mo masagot?" tumingin si Yna kay Daniel.
"Kase. Ayoko kong sagutin." maangas na sagot ni Daniel na may kasamang bahagyang kagat sa labi dahil sa inis.
"Bababa na ako." malakas na sabi ni Yna.
"Ano? Nang-iinis ka ba talaga?"
"Bababa na ko!!" mas malakasna pagkakasabi ni Yna.
"Ok. Sige. Baba na." mas maangas na sagot ni Daniel.
Pinreno niya ang kotse. At binuksan ang pinto.
"O ayan na. Bumaba ka na tulad ng gusto mo." galit na sabi ni Daniel.
Bumaba si Yna sa kotse ng may luha sa kanyang mata. Mabilis na inandar ni Daniel ang kotse pagkababa ni Yna.
"Daniel..." bulong ni Yna sarili niya ng may luha sa mata niya. Tumalikod siya papalayo.. Umaasang maiiwan niya din ang sakit na nararamdaman niya sa naging pag-aaway nila ni Daniel.
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...