Day 45. Katapusan ng panaginip.

15.3K 171 16
  • Dedicated kay Readers!
                                    

*KAT POV*

Kakalabas lang namen sa ospital at nasa bahay na kame para sa simpleng salu-salo. Kumpleto lahat, kasama sina Majo, Lance at Albert.

*tok tok*

"Good afternoon po. Nandyan po ba si Kat?"

"Oo, good afternoon din. Lika, pasok ka. May konting salu-salo sa loob. Kat, may bisita ka." pasigaw na sabi ni mama.

"Yna, ikaw pala. Tuloy ka. Kaen ka muna." bati ko kay Yna. Umupo kame sa sofa.

"Si Yna nga pala. Yna si Albert, Majo at Lance. Mga kaibigan ko." pagpapakilala ko sa isa't isa.

"Nice to meet you. Ahh, Kat kamusta na?" nakangiting tanong ni Yna.

"Ah. Eto nakakakita na pero - " sagot ko pero bago ko pa man natapos ang sasabihin ko ay hinawakan ni Yna ang kamay ko.

"Kat, he wants you to be happy. At tulad nung sinabi ko sa'yo. Mahal ka niya Kat.. di naman halata di ba?" sabi ni Yna na may kasamang pekeng ngiti at pagpipigil ng luha.

Binaba ni Albert ang hawak niyang plato. Halatang nasaktan sa narinig. Tumingin ako kay Albert, bahagyang hinawakan ang kamay niya at ngumiti.

Ilang oras ay lumabas ako sa bahay ng palihim habang nag-uusap usap sila at pumunta sa parke. Doon sa parke na tila malayo sa totoong mundo. Ipinikit ang mga mata at nag-alay ng isang dasal..

Inilabas ko ang isang rose at sinindihan ito. Dahan-dahang nilamon ng apoy ang rosas.. kasabay ng hiling ko na sana tulad ng rosas na unti-unting nawawala ay ganoon din ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Daniel..

"Daniel.. Dream guy.. soul mate.. donor.. Maraming salamat... Thank you kase dumating ka sa buhay ko. Sa totoong buhay ko.. Hindi ka lang nanatili sa panaginip, totoo ka. Kaya ang sakit sakit ngayon ng nararamdaman ko kasi totoo. Totoong totoo." lumuluhang sabi ko. Tumingin ako sa langit at nabanaag ang isang makislap na bituin.

"Binigyan mo ako ng liwanag sa gitna ng kadiliman. At tulad ng isang bituin, kahit na wala ka na.. mananatili ang liwanag mo ng milyon-milyong taon. Mahal na mahal kita Daniel.. Paalam." sabi ko habang nakatingin sa bituin.

Lumanghap ako ng sariwang hangin. Itinaas ang dalawang kamay. Pumikit.

"Kat."

Lumingon ako sa likod ko at nakita si Albert.

"Albert? Bat nandito ka?"

Ngumiti lang si Albert. lumapit sa akin at yumakap. 

"Hayaan mo akong alisin ang lahat ng sakit Kat.. lahat lahat.."

"Pero si Daniel.."  sabi ko sabay layo sa pagkakayakap ni Albert.

"Hindi nga siguro ako yung lalake sa panaginip mo. Yung naka-sketch. Yung mahal mo. Pero Kat, tulad niya. Mahal din kita, gusto din kita maprotektahan... Gusto din kitang mapasaya." sagot ni Albert

"Ha? Ibig sabihin nakita mo yung sketch book?"

"Oo. Na-drawing mo siya habang di ka nakakakita.. Nakakamangha nga e. Pero mas nakakasakit.. Masakit." sagot ni Albert sabay tungo ng ulo.

"Albert..."

"Ok lang yun Kat. Sa pangalawang pagkakataon, naunahan niya ulit akong maprotektahan ka. Pero naalala mo ba nung gabing dinukot ka nung mga lalake. Kat, kahit na nauna siyang makita ka. Hinanap din kita. Sinubukan ko ding mahanap ka. Makita ka. Maprotektahan ka." madiing sabi ni Albert habang nakatungo pa din.

Lumapit ako kay Albert.  Itinaas ang ulo niya mula sa pagkakatungo. Marahan kong pinunasan ang mga luha niya sa mata.

"Salamat Albert.. Salamat kasi minahal mo ko kahit ganito lang ako." sabi ko na may kasamang ngiti.

Niyakap ako ni Albert ng mahigpit.

"Kat, hayaan mo kong protektahan ka. Pasayahin ka. Mahalin ka... sa sarili ko namang paraan."

Sa oras na iyon, pakiramdam ko kinuha ni Albert ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa higpit ng yakap niya.. Unti-unting natabunan ng kadiliman ang kalangitan na siya ring pagkawala ng nag-iisang bituin..

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon