*Kat POV*
Halos dalawang araw na ang nakalipas ng magpaalam sakin si Daniel. Naging mabilis ang mga araw. Dumaan at lumipas ng di ko namamalayan. Malungkot ako dahil sa isang malabong dahilan.
*Kring. Kringgggg*
Pinatay ko ang alarm clock ko. Ang ingay, ang sakit sa ulo. Tinignan ko ang oras. 7:05 am."Shoot! Late na ko!" mabilis pa sa hangin ang pagbangon ko sa kama. Dali-dali akong naligo at nagbihis.
"Ma! Alis na po ako." sigaw ko sabay dampot ng baon ko.
-Jeepney Stop-
Pumara agad ako ng jeep. Nagbayad at pumikit.
"Bayad ho. makikisuyo."
Dinilat ko ang mata ko at tumingin sa nakikiabot ng bayad. Lalaking tiga-UST. Inabot ko ang bayad niya. Napangiti ako.
"Ano Kat? Akala mo siya yun? Akala mo makikita mo siya ulit? Asa ka. Umasa ka habang buhay." kinakausap ko ang sarili ko habang nakangiti na parang timang.
"Manong. Sa tabi lang ho."
Bumaba ako ng jeep. At umakyat sa LRT station.
*beep. beep*
Message from Albert.
"Kat, may gagawin ka ba maya pag-uwi? Kain naman tayo sa labas. :)"
Reply.
"Ok lang :) Kita na lang tayo sa entrance ng gateway mall. 5 pm." -Send.
Tinago ko ang cp ko sa bag ko. Siguro ok na din to para malibang libang ko naman sarili ko.
"Antagal ko na din nagmukmok ha? Tama na yung Dan... daniel na yun. Overexposure na sya sa buhay ko." kinakausap ko sarili ko. Pinipilit pagmukhaing ok lang ako kahit hindi naman talaga.
Bumuntong hininga ako at ngumiti.
"Ooooookkkaaaayyyy. bawal ng malungkot. Quota na ko sa pagiging ganon dahil sa kanya. Go Kat! Smile na." bulong ko sa sarili ko habang hinahawakan ang mga pisngi.
Paparating na ang LRT. Pumasok na ko. Tumayo sa tapat ng pinto.
*toot...toot... toot" dahan-dahang nagsara ang pinto ng LRT kasabay ng pagkakita ko kay Daniel sa kabilang flatform ng station.
"Dan...iel.." sabi ko habang sinusundan siya ng tingin.
Unti-unting bumilis ang andar ng lrt train. Ganoon na lang din ang bilis ng pagkawala niya sa mga mata ko.
Siguro nga. Eto na ang oras para kalimutan ko siya. Hindi ang matagal kong inisip na 'dream guy' ko pero si Daniel mismo..
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...