"Iha, urong ka ng konti sa dulo. Paki lang." sigaw ng bungangerong kundoktor.
"Saan ako uurong?! SAAN? Sabihin niyo sa akin pwede ba? iritang irita talaga ako sa bus na to pati sa mga tao. Sa amoy. Sa mga kili-kiling nakataas. Sa usok. Sa tulakan. Sa biglang pagpreno. Sa paulit-ulit na pagsasabi ng umurong ako sa dulo at higit sa lahat sa mga lalakeng absent ata sa GMRC ng ituro ang pagiging gentleman."
"Miss dito ka na." sabi ng isang lalaki sabay kalabit sa braso ko.
Tumayo siya at umupo ako. Tumingin ako sa kanya pero nakatalikod siya. Infairness talikod-genic siya!
*KAT POV
Teka! Parang nangyari na to. Saan? Kelan? Paano? Pero sigurado ako na nangyari na to. Bus. Cubao. Mga tao. Lalaking nagpaupo. Talikod-genic. Thank you. Malabo. Pana....panaginip... Panaginip? Dream? Lalake?"
Hinawakan ko ang braso ng lalakeng nagpaupo sa akin. Humarap siya sa akin.
"Ikaw?"
"Lika ka Kat. May papakita ako sa'yo." sagot niya.
"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa paborito kong lugar." sagot niya.
"Paboritong lugar? Parang narinig ko na yun minsan. At eto na naman... pupunta kame sa paborito niyang lugar.."
Hinawakan niya ko sa kamay at bumaba kame sa bus. Ang weird! Kusang tumigil ang bus sa isang park. Isang park na parang nasa ibang lugar!
"Eto ang paborito kong lugar." sabay tingin niya sa kin.
"At ikaw ang paborito kong tao." dagdag niya sabay lapit sa kin.
"Mahal kita Kat. Mahal na mahal. Di ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa'yo." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"Kat."
"Kat. please.."
"Kat. please gumising ka na..."
"Ha?"
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Sobrang sakitttttt. Bakit ganito? Ang naalala ko nagssketch ako sa kwarto pero bakit ako nakahiga ngayon sa isang lugar na pamilyar ang amoy. amoy... amoy... amoy ospital! Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko kahit sobrang sakit.
Nakita ko ang isang lalake. isang lalakeng kita ang pag-aalala. isang lalakeng minsan ko ng nakita at nakasama. Unti-unting luminaw ang paningin ko at nakita ko siya.
"Ikaw?" Al.. albert?"
"Kat. Buti naman gumising ka na. Pinag-alala mo ko. Kameng lahat." sagot niya sabay halik sa kamay kong hawak niya.
*Flashback*
Nakaupo ako sa lamesa sa tabi ng kama ko. Ang ganda ng sikat ng araw na bahagyang pumapasok sa bintana ng kwarto. Hinawakan ko ang lapis at sketch book sa lamesa. Pero parang ambigat ng kamay ko para magsimula..
*Kat POV*
Matagal tagal ko na din tinigil tong pagdadrawing ko. Bakit? Kasi lahat na lang ng ginagawan ko ng sketch, iniiwan ako. Una kong ginawan ng sketch ang bestfriend ko ng highschool pero nadiagnose siya ng leukemia. Pumunta sila sa States at pagkatapos ng ilang taon, binawian na din siya ng buhay. Pangalawa, si Lola. ginawan ko siya para sa b-day niya pero tinawag na siya ni Lord, ang regalo kong pang b-day sana naging picture ni lola sa lamay niya.. Pwedeng coincidence lang ang lahat di ba? Kaya eto gusto ko sana ulit magsketch.. Pero..
*back to flashback*
"Ang sakit ng mata ko. Ahhhhhh! Mama! Lola!" sigaw ko habang nakatakip sa mga mata. Hindi ko magawang umiyak sa sobrang hapdi.
Unti-unti akong bumagsak sa sahig. Sobrang sakit ng mata ko, pati ang ulo, pati ang dibdib pati ang buong katawan.. naririnig ko ang mga tunog ng paa na nagtatakbuhan. Ambulansya. iyak ni mama. boses ni Albert...
*Present time*
"Albert? Ano ba yung nangyari sa kin?" tanong ko.
"Ahh. Kat, siguro si tita lily na lang ang dapat magsabi sa'yo pero wag kang mag-alala. Ok lang ang lahat. Magiging ayos ka." sagot ni Albert na halata ang pagkalungkot sa mga mata.
"Al.." hindi natapos ang sasabihin ko.
Tumungo si Albert at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Magiging ayos ka Kat. Walang mangyayari sa'yo. Hindi ko hahayaan yun." sagot ni Albert kasabay ng pagpatak ng luha.
"Hay. Ano ba to. Nagluluha pa mata ko. Ang sakit kasi kanina pa/ Teka lang Kat ah, lalabas muna ako. Tulog ka na muna dyan. Sabi ng doktor pag daw ipinahinga mo yang mata mo, mabilis ka daw gagaling." sagot ni Albert na may pekeng ngiti at umalis sa kwarto.
Alam kong may mali. Alam kong may problema. Alam kong hindi ito maganda. Pero pilit kong dinedeny sa sarili ko ang mga posibilidad.. Tulad ng isang panaginip.. Umaasa ako na kaya kong magising kapag hindi naging maganda ang takbo nito..
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...