Day 15. Ha? Ikaw?

17.4K 201 5
                                    

Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko ng may mugtong mata, mabigat na dibdib at masakit na puso.

"Ang tanga ko naman. Di ko agad naramdaman na hindi yun totoo." humihikbi kong sinabi.

Nagtalukbong ako ng unan sa mukha habang sinisipa sipa ang kama. Tulo lang ng tulo ang mga luha ko parang gripong loss-thread.

Sa sobrang daming luha, parang napagod ang mata ko....

8:30 am.

Nakita ko ang orasan. Kinuskos ko ang mga mata ko.

"Shockkssss! 8:30 na. late na ko sa klase."

Nagmamadali akong bumaba sa kwarto.

"Ma!!! Bakit di mo ko ginising?"  sabi ko kay Mama habang nagmamadaling pumasok sa cr.

"Eto kape kat oh! Hilo ka pa ata. Sabado ho ngayon." pang-inis na sagot ni Mama.

Kasabay ng pagbuhos ko ng malamig na tubig ay pagka-realize ko na tama nga si mama. Sabado ngayon.

Hindi ko na gaanong inintindi ang mga pang-aasar nila Mama at Lola sa kin. Dumerecho na lang ako sa kwarto at nagbihis. Aalis na lang din muna ako para makalanghap naman ako ng sariwang hangin.

Umalis na ko ng bahay. Medyo malakas ang hangin, ang sarap sa pakiramdam. Nakatayo ako sa Jeepney Stop. Pinigilan ko ang mga mata kong tumingin sa paligid para hanapin si "Mr. Dream Guy".

"Sa SM nalang kaya ko pumunta? Hmm. Tamang tama may bibilihin din akong printed shirt." kinakausap ko ang sarili ko sa isip.

Sumakay na ko ng jeep. Dun ulit sa paborito kong pwesto. Nagbayad kay manong at sumide view. Feel na feel ko talaga ko ang hangin pag tumatama sa mukha ko tapos nalilipad ang buhok ko. Woooo. Heaven sa feeling.

Kinuha ko sa bag ko ang i-pod ko at nakinig ng music.

♫ ♪"And although the memories lives on..." ♫ ♪

"Miss."

♫ ♪ "The memories and the boy are all but gone." ♫ ♪

"Huy miss. Excuse me." sabay tanggal sa tenga ko ng isang earphone.

"Ano ba yon?" naasar kong sagot sabay tingin sa kanya.

"Yung buhok mo kase tumama sa mukha ko." maangas na sagot niya.

Laking gulat ko sa nakita ko. Nanlaki ang mata ko at hindi agad ako nakapagsalita.

"Oh bakit? May problema ba? Tsk. Talian mo na lang yang buhok mo pwede? O kaya pagupitan mo na lang para di nakakatama." mas maangas na sabi niya.

Hinawi ko at hinawakan sa side ang buhok ko. Hindi pa din ako makapaniwala na kasama ko ulit si Daniel.

Kinurot ko ang pisngi ko. Walang nangyari. Kinurot ko ulit at ulit at ulit.

"Baliw." mahinang sabi ni Daniel sabay para at baba sa jeep.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya.

" Daniel? Ikaw ba talaga yan? O panaginip na naman ba to?" 

Biglang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Huminga ako ng malalim. Pumikit ng saglit. Binalik ang earphone sa tenga ko.

♫ ♪ "It isn't quite the way it was before... I remember the boy but I don't remember the feeling anymore." ♫ ♪ Patuloy ang pagkanta ni Lea Salonga.

Kabaliktaran ang nararamdaman ko sa lyrics ng kanta. Natatandaan ko si Daniel at wala pa ding nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal ko pa din siya..

Sa wakas Daniel. Nagkita na ulit tayo. (:

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon