Nakangiti ako. Masaya. Kinikilig. Parang lumulutang ng biglang prumeno ang jeep. Nagising ako. Wait lang. Sinabi ko bang nagising ako? Di ko alam, basta para akong naalimpungatan sa pagkakaidlip. Puno ang jeep, parang kanina lang nung kasama ko si Daniel halos lima lang kame. Napakamot ako sa ulo ko. Napaisip. Pero dahil sa sobrang saya ko, nawala agad ang iniisip ko.
Bumaba ako sa jeep. Sumakay sa LRT. Pumasok sa classroom. Hinanap sina Majo at Lance.
"Majo! Lance! Guess what? Nakita ko ulit si Daniel at ang mas bongga dun kinuha niya ang # ko. Hahaha." Pagmamayabang ko.
"Huwaw bakla! Totoo ba? Naks! Ano tinext ka na ba nya? Patingin naman ng # niya. Kinuha mo din ba?" kinikilig din si Majo para sakin.
"Hmm. Oo nakasave na sa cp ko. Minisscall na niya kasi ako para maregister yung # niya." Humawak ako sa braso ni Majo at palarong pinisil dahil sa kilig.
"Alam mo mukha kang tanga pag kinikilig. Patingin nga ng # nyan. Baka miyembro yan ng sindikato." Paepal na sabat ni Lance.
Kinuha ko ang cellphone ko, pumunta sa missed calls. pero walang ibang # ang nakaregister maliban sa # ni Mama. Hinanap ko sa received calls, pero wala ding bagong number.
"O ano na? Wala namang # e! Hahahaha" tanong ni lance na as usual may pangaasar.
"Baket ganon? Sinave ko ang # niya e. Sigurado ako. Pero bakit wala dito?" Sagot ko habang patuloy pa din hinahanap ang #.
"Baka nabura mo? O kaya di mo nasave?" sagot ni Majo.
"O baka sabihin mo, panaginip lang ni Kat-kat yon! Hahaha" sumabat na naman si lance.
"HINDI! Nasave ko talaga yun! Di ko nga alam kung bakit biglang nawala dito. Pero alam kong nasave ko yun. Wala kong pakealam kung ayaw niyong maniwala." Pikon na sagot ko.
Naiinis ako sa panggagatong ni lance sa inis ko sa pagkawala ng #. Sa sobrang inis ko napaluha ako. tinago ko ang cp ko. Umupo sa upuan ko at tumungo sa lamesa.
"Ayan kase Lance eh. Mokong ka talaga. Nakita mo na ngang problemada yung tao inasar mo pa." Sabi ni Majo.
"Eh sorry na Kat-kat. Di ko naman sinasadya. Nagbibiro lang naman ako e. Masyado ka naman seryoso." sagot ni Lance na alam kong lumapit sa upuan ko.
Umayos ako sa pagkakaupo. Mukhang pinagsakluban ang mukha ko. Pinahidan ang luha ko ng walang ka finesse finesse.
"Akala mo kase lahat biro! At marunong ako sumeryoso di tulad mo!" galit na sagot ko kay Lance.
"Grabe naman. Di ko naman sinasadya yun e. Sorry." Mahinang sagot ni Lance. Lumipat sya ng upuan at nanahimik.
"Patawarin mo na si lancy Kat. Di naman nya yun sadya tska ganon naman talaga yun di ba?" Sabi ni Majo habang nilapit ang upuan sa kin.
Di ako sumagot sa kanya. Tumungo ulit ako. Nag-isip. Di naman talaga ko galit kay lance at ayoko din naman na sigawan sya pero kase nakakapikon at sumabay pa siya sa pagkainis ko.
"Okay lang yun Kat. For sure, itetext ka nun kaya masasave mo pa din ang # niya." Nagsalita ulit si Majo.
Umayos ulit ako sa pagkakaupo. Narealize na tama si majo! Oo nga noh! Sabi ni Daniel itetext niya ko kaya for sure masasave ko pa din ang # niya.
"Oo nga Majo! Salamat! natanga ko dun ah. Hahaha." masaya kong sinabi.
"Kaya magbati na kayo ni Lance. Di ako sanay na ganyan kayo at lalo na pag tahimik si Lance."
"Sige. Magsosorry na ko sa kanya."
Lumapit ako kay Lance para magsorry kung nasigawan ko siya. At sympre pinatawad nya ko ang tigas naman ng mukha nya pag nagpahard to get pa siya e nakakapikon naman kase talaga siya on the first place.
Buong araw kong inantay ang text niya. Minu-minuto kong tinitignan ang cp ko kung may nagtext na. Tulig na nga ako pag my naririnig akong text alert, umaasang si Daniel na yun pero hindi pala. Globe rewards lang pala. Napagod na ang mata ko sa kakatingin, ang tenga ko sa pakikinig kung may text na, pati ang ulo ko sa pagmumulti-tasking sa pag kopya ng notes, pakikinig sa prof at sa pagaantay ng text. Pero ewan ko ba, di ata napapagod ang puso kong umasa na magtetext siya.
Syet. Koreanovela lang? Inlove na ata ako kay Daniel. Pero bakit ganun? Di siya nagtext at hanggang ngayon naguguluhan pa din ako.
"Masaya ako dapat di ba? kasi nagkita na ulit kame. Pero bakit may parte sa kin na nagtatanong kung nagkita ba talaga kami...."
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...