Pinark ni Daniel ang kotse niya sa tapat ng parke malapit sa mall.
Bumaba sya ng kotse ala Dao Ming Zi sa angas na may kasama pang hangin effect. Lumakad sya papalapit sa tatlong lalakeng nagtatawanan sa may bench.
"Mga duwag. Kamusta na kayo?" sabi ni Daniel.
Lumingon sabay-sabay ang tatlo sa likuran nila at nakita nila si Daniel na masamang nakatingin sa kanila.
"Hi p're!" sagot ng isang lalake na may kasama pang hand gesture.
Lumapit si Daniel at hinawakan ng buong higpit ang kwelyo ng damit ng lalaki. Itinaas ni Daniel ang kwelyo hanggang sa mapatayo ang lalake.
"Chill!" sabay hawak sa kamay ni Daniel para alisin ito sa pagkakahawak.
"Hoy. Bakit ka ba nandito ha? Dahil ba yan dito? maangas na tanong ni Jp, ang leader ng grupo sabay tapon sa mukha ni Daniel ng mga pictures nila ni Kat.
Pigil na pigil ang bibig na Daniel kasama ng bahagyang pagpikit ng mata sa ginawa ni Jp. Sumugod si Daniel at sumuntok ng buong lakas. Tinulungan ng 2 pang kagrupo niya si Jp pero walang nakapalag sa galit ni Daniel.
"Ano ha?! Anong ginawa mo kay Kat?! Hayop ka!" sabi ni Daniel habang paulit ulit na sinusuntok si Jp na nakahiga na sa parke.
"Ma- *ubo* sarap.. *ubo* bang maagawan *ubo* daniel *ubo*?" ngumingisi pang tanong ni Jp na bugbog sarado na.
Tumigil sa pagsuntok si Daniel. Tinaas papaupo si Jp gamit ang kwelyo ng damit niya.
"Anong sabi mo?" pasigaw na tanong ni Daniel
"Akin naman talaga si Yna ah. *ubo* pero ano? *ubo* Pare di ba sabi mo dati. *ubo* walang taluhan? Pero bakit *ubo* sige nga! Gago ka din e!" ngumingisi pero naiiyak na sagot ni Jp.
"Wala kong inagaw sa'yo." mahinang sagot ni Daniel sabay bitaw kay Jp.
"Meron pare! Hanggang ngayon di mo pa din amini! Inagaw mo yung babaeng pinapangarap ko! Yung babae sa bawat panaginip ko! *ubo* Tapos ano na ngayon?! Sinasaktan mo lang siya. *ubo* Gago ka! Gago kang hayop ka!" pasigaw na sabi ni Jp habang naghahalo ang dugo at luha niya..
*Flashback*
-High School-
"Pare! Mukhang malakas na tama mo dyan ah! Ano ba meron sa babaeng yan na wala sa iba?" pang-aasar ni Daniel.
"P're iba to! Iba! Isipin mo ha! Nakita ko yung babae sa panaginip ko! Bro! Iba to." sagot ni Jp sabay pakita kay Daniel ang sketch ng babae sa panaginip niya.
Kinuha ni Daniel ang drawing pero kinuha agad ni Jp.
"Hoy hoy hoy! Baka agawin mo pa si dream girl! Hahaha!" sabi ni Jp.
"Ang corny mo Tsong! Alam mo yun?!" sagot ni Daniel.
"True love ang tawag nun p're! true love!" sagot ni Jp.
*2 months after*
-Likod ng High School building-
"Mang-aagaw kang hayop ka." sabi ni Jp sabay suntok kay Daniel.
"Di ba alam mo naman kung sino si Yna para sakin?! Pero bakit mo pa din pinormahan? Dahil alam mong gusto ka niya? Hayop ka e. Sabi mo walang talunan! Pero anong ginawa mo tsong?" galit na tanong ni Jp sabay suntok ulit kay Daniel.
Hindi lumaban si Daniel sa bawat suntok ni Jp. Hinawakan niya ang kanang bahagi ng bibig niya na dumudugo na.
"Pare. Sorry. Pero akin na siya e. Tska, babae sa panaginip? Pare, sa drama lang yun nangyayari. Iba ang panaginip. Iba ang totoong buhay." maangas na sagot ni Daniel sabay alis.
"Wag mong papaiyakin si Yna!" pasigaw na sagot ni Jp sabay alis din.
*Present time*
"Sinabi ko na sayo dati diba? Wag mo syang papaiyakin. *ubo* pero tuwing tinitignan ko sya sa malayo, malungkot siya. Umiiyak. At alam kong dahil yun sayo.l *ubo*. Pinaubaya ko na sayo pare yung babaeng pinapangarap ko pero wala *ubo* wala kang kwenta." naluluhang sabi ni Jp.
Tumingin si Daniel sa mata ng dating kaibigan. At umalis papalayo dala ang mga sikretong matagal ng itago ng panahon...
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...