Day 44. Revelations.

14.6K 179 17
  • Dedicated kay readers of 45 days ♥
                                    

"Kat, goodmorning. Prepare ka na ah. Uuwi na tayo sa bahay sa wakas." sabi ni papa.

"Opo papa. Namiss ko na po yung bahay. Pero syempre mas namiss ko po kayo." sagot ko ng may ngiti.

"Namiss din kita Kathy. Isesettle ko na muna yung mga babayaran para sa pag-alis naten mamaya ah." sabi ni papa.

"Sige po. Mag-aayos lang po ako dito." sagot ko.

Tinignan ko ulit ang sketchbook. Ngumiti ng parang wala ng bukas at tinago na to sa loob ng bag.

"Ms. Kathy Cruz?"

"Ah. Kayo po pala doc." sagot ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Feeling well?" tanong niya.

"Opo. Maraming maraming salamat po doc." sagot ko na may kasamang wagas na ngiti.

"It's my job iha. And about your donor.."

"Oo nga po, gusto ko po sanang malaman kung sino ang donor ko doc. Malaki po ang utang na loob ko sa kanya at umaasa po ako na, ano po.. ahh.. buhay pa siya at personal ko siyang mapapasalamatan." sagot ko.

"You mean, hindi pa sa'yo sinasabi kung sino ang donor mo?" tanong ng doc na mukhang nagtataka.

"Ahh.. hindi po. sino po ba siya doc? kilala niya po ba ako?" kinakabahang tanong ko.

"He said, he's a close friend of yours." matipid na sagot ng doctor.

"Sino po ba siya doc?" tanong ko na mas kinakabahan na.

*Flashback*

"Doc. Anu na po ang lagay ni Kat? Ahm. Kathy Cruz po.." derechang tanong ni Daniel.

"She's getting better. Pero still, we barely need a corneal donor para sa operation. Habang tumatagal mas nagiging crucial ang chance na makakita pa ulit ang pasyente. Excuse me, by the way, how are you related to the patient? sagot ng doctor.

"Ahm.. kaibigan po.. Malapit na kaibigan.. Pero Doc... Pano.. Ahm.. Pano po ba malalaman kung compatible ang cornea kay Kat. At pano po maging donor?" nauutal na tanong ni daniel

"Lika iho. Sumama ka sakin." sagot ng doctor.

 Nagpacheck si Daniel para malaman kung compatible ang cornea niya para operation.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon