Albert?

16.1K 176 8
                                    

"Kat. Kat, anak? gising ka na ba? Naririnig mo ba ako kathy?"

Mahina ang boses ni mama pero alam kong sa kanyang boses yun. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko. Mahapdi. Sobrang hapdi habang minumulat ko ang mga mata ko.

"Kat. Wag mo munang piliting dumilat pag di mo pa kaya." sabi ni mama.

Pinilit kong buksan ang mata ko. Malabo ang paningin ko. Tinitiis ko ang hapdi. Bahagya ko lang nabuksan ang mata ko.

"Ma, anong nangyari? Nasaan ako? Nasa antayan ako ng jeep kanina tapos nandun yung snatcher tapos, tapos..."  hysterical ang pagkakasabi ko kay mama pero di ko magawang umiyak dahil sa hapdi ng mata ko.

"Kat. Wag mo na muna yung isipin. Lumapit na ko sa mga pulis para hanapin yun. Inatake ka nya at tinamaan ka sa mata." sagot ni mama.

"Mrs. Cruz, dapat na pong magpahinga ng pasyente. Miss Kathy, wag nyo na pong pilitin ang sarili nyong idilat ang mata nyo. Makakasama po yan sa inyo." sabi ng nurse.

"Sige nurse. Kat, ipikit mo na mga mata mo. Magpahinga ka na muna. Uuwi muna ko para kumuha ng mga damit ha? Babalik din agad ako. Pagaling ka kat. Love you nak." sabi ni mama na may kasamang halik sa noo ko.

Wala akong choice kundi sumunod. Sobrang sakit ng mata ko at natatakot pa din ako sa tuwing naiisip ko yung mukhang balahura ng snatcher habang inaatake ako. Pinikit ko ang mga mata ko..

"Kat.."


"Kaninong boses yun? Kilala ko ang boses na yun.." tinanong ko sa sarili ko.

"Kat.." inulit niya pang sabihin habang papalapit sa kin.

"Ang amoy. Ang boses... parang matagal ko ng kilala ang lalaking ito."

"Kat. Ok ka na ba?"


"Boses.. Amoy... Kilala kita.. Nakasama na kita.. Sa panaginip? Panaginip.. Daniel? Dream guy?" pinilit kong buksan ang mga mata ko.

Ang labo ng paningin ko. Ang labo ng register niya sa paningin ko pero naaaninag ko ang mukha niya. Sigurado ako. Siya ang lalake sa panaginip ko. Siya yun.

Dahan-dahang luminaw ang paningin ko. Nakita ko si Albert.

"Al...bert?" tanong ko.

"Kat! Kamusta ka na? Pinagalala mo ko. Nakita kitang nakahandusay kanina. Akala ko kung napano ka na." sagot niya na may hawak sa kamay ko.

"Albert? Ikaw? Ikaw ang tumulong sa kin?"

Tumango lang si Albert.

Bahagya akong ngumiti at pinikit ulit ang mga mata ko.

"Si albert... siya ang nagligtas sa kin.. siya ang lalake sa likod ng boses na yun? sa amoy na matagal ko ng kilala? siya ang lalake sa panaginip ko? Pero bakit? bakit siya? Di ba dapat si Daniel yun? Dapat si Daniel yun..."

Hinalikan ako ni Albert sa noo. Sabay alis.

"Albert..." tinawag ko si albert.

"Kat? bakit?" sagot niya na alam kong nakatayo na malapit sa pinto.

"Salamat." sagot ko.

"Wala yun. Sana nga mas nauna akong nakadating dun para naprotektahan kita." sagot niya.

"Salamat, albert.." inulit ko ulit.

"Wala yun. Basta para sa paboritong tao ko." sagot niya sabay labas sa kwarto.

"Paboritong tao? Narinig ko na ang mga salitang yun?  Paboritong tao.. Isang araw sa nakaraan, narinig ko na ang mga salitang yun..sa isang alaala ba? totoong nangyari? o sa panaginip?"

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon