Day 11. Paboritong lugar.

18.2K 190 3
                                    

Tok tok tok.

"Kat? Ayos ka na ba? Anong petsa na! Nandun na mga pinsan mo." sabi ni Mama na tunog naiirita na.

Binuksan ko ang pinto pero bumalik ulit para kunin ang jelly pouch ko at tanggalin sa pagkakacharge ang iPod ko.

"Hay nako naman Kat. Ang bagal mo talaga ever. Sumunod ka na sa gate ah. Antayin ka na namin ng lola mo sa labas." Humirit pa si Mama at saka bumaba.

Oo. Mabagal talaga ko kumilos. Bakit? Kasi nakakatamad gumalaw e. Pero mas mabagal ang mga galaw ko ngayon, dahil sa pag-iisip tungkol kay Daniel . Lalo akong tinatamad gumalaw pag may iniisip ako ng malalim. Di ko alam kung bakit ganon. O kung ako lang ba ang ganun.

"Iniisip ko lang kung... Pwede ba tayong lumabas bukas?"

Paulit-ulit nagrereplay ang mga salita ni Daniel sa utak ko.

"Pwedeng pwede! Gustong gusto ko kung alam mo lang Daniel! Kahit na san pa tayo pumunta okay lang basta ikaw ang kasama ko. Ano bang ginawa mo sa kin Daniel at ganito ko sa'yo." emosyonal na sinasabi ko sa sarili ko.

Lumabas na ko ng bahay na may mabigat na dala na iniisip. Syet. B-day ang pupuntahan namen pero sa mukha ko e parang may libing lang. Sumakay kami ng jeep at bumaba sa bahay nila istian, pinsan ko na tuwing b-day e instant reunion naming magpipinsan!

"Happy Birthday Istian! Happy Birthday! Maligayang kaarawan pinsan!" Iba ibang greetings pero laging may Happy, masaya o maligaya akong naririnig. Wow ah. Ako lang ba ang di masaya/maligaya/happy dito?

Kumain na kami nila Mama at Lola. Kwentuhan. Kain ulit. Chismisan. Kamustahan. Videoke.

"Hayyy. Nakakaantok naman." sinabi ko sabay hikab. Sumandal ako sa dingding. Ang lambot ng sofa na inuupuan namen, kumportable sa pakiramdam. Ang sarap ipikit ang mata.......unti-unting humihina ang maiingay na boses ng mga bisita...

Tumingin ako sa orasan. 2:45 pm.

"Nandun kaya si Daniel? Inantay niya kaya talaga ako?" sinabi ko sabay balik sa lamesa para kumuha ng leche flan.

3:00 pm. 3:30 pm. 4:00 pm. 4:30 pm.

"Ma, lola. Uuna na po muna ako. May pupuntahan po ako." mabilis kong pagkakasabi kina Mama at Lola sabay alis. Di ko na narinig kung may bilin ba sila o tanong. Basta alam ko gusto kong puntahan si Daniel.

Mabilis akong pumunta sa Jeepney Stop na sinabi niyang meeting place. Haggard na haggard akog tumingin sa paligid pero siya. Biglang may humawak sa balikat ko pag tingin ko ay si Daniel! Nagulat, natuwa, kinilig, mixed emotion sa pagkakita ko sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang Kat?! Akala ko kung anong nangyari sa'yo. Sana man lang nagtext o tumawag ka!" galit na pagkakasabi ni Daniel.

"Ah eh. Kasi... Sorry. Dapat naman talaga kanina pa ko nandito. nakatulog kasi ako."  palusot ko.

"Tulog. Tulog. Lagi ka nalang tulog. Bagay ang pangalan mong kat. Kat as in pusa. Parehas kayong antukin." seryosong sabi ni Daniel.

"Meow!" sabi ko sabay kalmot sa kanya ng pabiro. Tumawa ako at ngumiti naman siya. Syet. Ang gwapo niya lalo. Laglag puso ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at lumakad na kami.

"San tayo pupunta Daniel?"

"Sa paborito kong lugar." matipid na sagot niya.

"Paboritong lugar?" inulit ko lang.

Tumungo lang siya.

"Saan yun?"

Di niya ko pinapansin. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Nagpapalpitate ng sobra ang puso ko. At sumakay na kame ni jeep papunta sa paboritong lugar ni Daniel.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon