"Kat-kat! sama ka na kasi samin mag-sine. Grabe ha! Antagal ka na naming di nakakasama." maingay na sabi ni Marie jo.
"Takte. Oo nga! Hindi naman sa namimiss ka namen o ano pero kasi dalawa lang kami madalas nitong si Majo magkasama. Ang sagwa para kaming nagdedate." mas maingay na sabi ni Lance.
"Oh? Ayaw niyo nun? Yiheee." pang-inis na sagot ko.
"Eww. Pwede ba ha." maarteng sabi ni Marie Jo na may kasamang pang hand gesture.
"WOW AH! hiyang hiyang naman ako sa mukha mo." sagot ni Lance.
"Tama na yan. Ano ba kayo. Kayong dalawa na nga lang magkamukha nagaaway pa kayo. Hahaha. O sige na guys. Una na ko, may bibilhin pa din kasi ako. Bye!" sabi ko na may kasamang beso kay Majo at apir kay Lance sabay alis.
Setting: Parke malapit sa mall.
Umupo ako sa bench sa park. Inaayos ang mga stickers, notebooks, sticky notes at kung ano-ano pang binili ko para sa gagawin kong scrapbook. Bigla akong may narinig na ingay, ingay na parang nag-aaway. nagkakagulo. nagrurumble.
Dahil isa akong dakilang usi, medyo lumapit ako sa gulo para tignan.
"Shocckks. Mga mukhang barumbado naman tong tatlong lalaki." bulong ko sa sarili ko.
May pinagtutulungan silang isang lalake. Di ko makita yung mukha niya dahil nakatalikod siya.
"Teka, parang pamilyar yung likod ng lalaki." sumisilip pa din ako.
Sumuntok ang isang lalaki sabay ng pagkakita kong si Daniel ang lalaking binubugbog nila.
"Daniel!!!!" sigaw ko sabay lapit sa kanila.
Tumigil sila sa pagsuntok. Tumingin lang sakin si Daniel ng may dugo na sa labi.
"O sino naman tong bubuwit na to?" sabi nung lalaking sumuntok kay Daniel.
"Lalake ba talaga kayo? Tatlo laban sa isa? Ano yun? nakakasuka yang pagkaduwag niyo." patapang na sagot ko pero deep inside e nanlalambot na talaga ang tuhod ko.
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga!" pasigaw na sagot nung isang lalaki sabay tulak sa kin.
Nilapit ako ni Daniel para tulungan sa pagkakaupo ko dahil sa tulak. Pero tumayo ulit ako.
"Ang sabi ko. Hindi kayo lalaki. Ano narinig mo na ba?" matigas na sabi ko kasabay ng isang malutong na sampal.
Susuntukin ako ng isa pang kabarkada pero naunahan ko siya at tinuhuran ng sobrang lakas. Alam kong ayun ang pinaka-ok na depensa sa mga lalaki. Tinuro kaya yung sa self- defense class namen.
"Ano gusto n'yo ding mabaog?" pasigaw kong sinabi sa dalawa ng may kasamang panlalaki ng mata.
Umalis ang dalawa ng akay-akay ang isa nilang kabarkadang iika-ika.
"Hindi ka pa samin tapos Daniel! At sa'yo ding babae ka. Humanda ka." pahabol sigaw pa ng mga epal.
"Okay ka lang Daniel?" sabi ko sabay hawak sa sugat niya sa mukha. PBB teens na naman ang peg ko pero di ko talaga mapigilang maapektuhan sa sugat niya.
Hinawakan niya ang sugat niya. Sabay hand gesture ng "aprub" sa tanong ko.
"Mga mokong yun ah! Ba't ka ba nila binugbog? Ano bang problema nila?!" galit kong tanong.
"Hayaan mo na yun. Tutal hindi na mukhang magkakaanak yung isa sa kanila e." sagot niya ng may ngiti sa labi.
Nakita ko ulit yung ngiti ni Daniel na parang pinipigilan. Nakatingin lang ako sa kanya habang napapangiti na din ako.
"Akala ko. baliw ka nung una kitang nakita sa jeep. Astig ka naman pala!" sinabi niya ulit sa kin sabay baling ng tingin sa langit.
"Oo nga pala. Ako si Da---" sabi niya sabay harap sakin.
"Daniel." binanggit ko bago pa man niya matapos ang sinasabi niya.
"Ako si Kat. Kathy Cruz." dagdag ko.
Bahagya siyang ngumiti at tumingin ulit sa langit.
Napakagat ako ng labi. Pinipigilin ang kilig ko. Tumingin na din ako sa payapang langit na tinitignan ni Daniel.
"Parang nakapunta na ako dito." tanong ko sa sarili ko.
Iniisip ko kung kelan o sino ba ang kasama ko. Pero inalis ko din sa isip ko ang mga iniisip ko, ang alam ko lang. Masaya akong kasama ko si Daniel. Masayang masaya.
♥
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...