*Albert POV*
Halos araw-araw na kaming magkasama ni Kat. Ang saya ko. Bakit? Kasi alam kong unti-unti ko ng naaalis ang sakit na nagawa sa kanya ni Daniel. Palagi na din siyang nakangiti at iyon ang importante sa akin ang mapasaya ang babaeng mahal ko.
*Kat POV*
Palaging nandyan si Albert para sa akin. Hindi niya ko iniiwan at palagi niya akong pinapasaya. Sa totoo lang? Dahilan siya kung bakit mas madali kong nakalimutan ang una kong pag-ibig. Masaya akong kasama siya. Masaya ako dahil nandyan siya. Masaya ako na nakilala ko siya.
*Present time*
*Ring. ring*
Kat: Hello? Albert?
Albert: Oh kat? Asan ka na ba? Dito na ko sa library. Nakuha ko na din yung mga book na pag-aaralan natin.
Kat: Tss. Sorry talaga Albert. May binili pa kasi ako e. Papunta na ko d'yan.
Albert: Sige. Bilisan mo na. Naiinip na ko. bye.
Kat: Albert? galit ka ba?
-toot.toot.toot.-
"Galit ba siya? naku naman. Kasi naman e. Bat ba kahaba ng pila sa counter kanina." bulong ko sa sarili ko.
Binilisan ko ang paglalakad ko habang chineck kung dala ko ba yung id pass ko para makapasok sa library ng school nila Albert.
"Ano ba to. Nawawala ko pa ata." sabi ko habang medyo nangangarag.
*Booogsh*
"Ay sorry. Sorry. Sorry. Di ko sinasadya." sabi ko sa nabangga ko.
"Parang pamilyar ang amoy na yun ah? Naamoy ko na yun minsan. Saan nga ba yun? Teka. Sino? Saan?" kinausap ko ulit ang sarili ko.
Titignan ko sana ang nabangga ko pero biglang nag-ring ang cp ko.
"Oh? Albert? Nandito na ko. Punta na ko d'yan. Ok. Bye." sabi ko.
Pagkababang pagkababa ay lumingon ako sa nabangga ko pero wala na siya. Ang weird. Gusto ko pa naman sanang magsorry ulit sa kanya.
Dumerecho ako sa kinauupuan ni Albert.
"Late ka na naman kathy." seryosong sabi ni Albert.
"Uy. Sorry na." sabi ko sabay tabi sa kanya.
"Sorry na lang palagi." sagot ni Albert.
"Uyyy. Alam ko namang di mo ko matitiis e. Sige na. Peace na tayo?" sabi ko habang nakangiti at naka-peace sign.
"Pasalamat ka mahal kita." sagot ni Albert na nakangiti.
Inalis ko ang tingin ko kay Albert. Bigla akong nailang ng hindi ko maipaliwanag.
"Kat.." sabi ni Albert sabay hawak sa kamay ko.
"Hindi lang kaibigan ang tingin ko sa'yo. Mahal kita Kat. Gusto kong pasayahin ka palagi.."
"Pero..."
"Pero ano Kat? Si Daniel? A new love can heal a broken heart. Hayaan mo ako Kat gawin yun. Di ko naman minamadali na mahalin mo agad ako. Pero ang hiling ko lang. Hayaan mo lang ang sarili mong matutunan din akong mahalin." sabi ni Albert.
Tumungo ako bilang pagsang-ayon at ngumiti. Niyakap ako ni Albert at masayang nagpasalamat sa akin.
*Kat POV*
Kabaliktaran ni Daniel si Albert. Kung si Daniel ay parang isang bagyo na hindi ko mapredict kung ano ang mga susunod na aksyon. Si Albert ay parang isang payapang lawa. Kalmado, nakakaganda at nakakagaan ng loob. Sa totoo lang, hindi ko sigurado kung tama ba ang desisyon kong ito pero ang alam ko lang, nais ko na ding gumaling ang puso kong minsang nasugatan.
....
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...