Day 4. Nang makita ko siya ulit.

27.4K 290 12
                                    

Walang kwenta ang araw ko kahapon. May lagnat ako. Hilo pero mas higit sa lahat nalilito sa lahat ng nangyare. Natulog lang ata ako buong araw sa sobrang pagkadismaya. Lumitaw ang buwan. Tahimik na ang lahat. At muling lumitaw si Haring araw.

Maaga ko nagising ngayon. Bumangon sa kama kahit na tamad na tamad. Bumaba sa kwarto, derecho cr at kusina.

"Oh Kat-kat! Ang aga mo ata gumising ngayon. Sabado ngayon wala kang pasok ah?" Sabi ni mama habang nagluluto ng almusal.

Napakamot ako ng ulo ng maisip ko na sabado nga pala ngayon. Badtrip naman! Ang aga ko pang nawalay sa aking pinakamamahal na kama. Akala ko kase e may pasok ngayon. Pero sabagay wala na din kase ako itutulog. Buong araw nga kase akong natulog kahapon. Para kong hayop na naghibernate. Literal.

"Kaen ka na kat-kat. Gusto mo ba ng kape?" Tanong ni Lola sakin habang nagtitimpla ng kape.

"Hay nako Nay! Timplahan nyo nga yan ng kape ng mahimasmasan. Kahapon pa yan tulig e." sagot ni mama.

"Wag na Lola. Okay lang po ako. Tska di pa din ako gutom. Maya-maya nalang po muna ko kakaen."

Dumerecho ako sa sofa at binuksan ang TV. Puro mga tungkol sa pangkabuhayan ang palabas. Humiga ako sa sofa habang nanonood. Like a boss ang posing. Haaayyy. Ang sarap sa pakiramdam pag nakahiga. Ang lamig pa ng hangin na pumapasok sa bahay namen. Hayyyy. Ang sarap talaga.

Humihina ang tunog ng palabas. Lumalabo ang paningin ko. Parang lumulutang ang katawan ko. Pero ang sarap sa pakiramdam....

Nagising ako sa pagkakaidlip ko sa jeep. Umuntog kase yung ulo ko sa bintana. Tinignan ko ang orasan ko. Hala! Napaaga ata ako ng alis sa bahay. Pero keri na yan. Magaantay na lang ako sa classroom namen. Tumingin ako sa bintana ng jeep. Wooo. Ang lakas ng hangin. Ang sarap. Gusto ko ang hangin na ganito. 

"Ma, bayad po."

Pamilyar ang boses na yun.

Tumingin ako sa dulo ng jeep. Sya nga! Ang likod-genic, ang my ear-sexy na boses, ang lalaking nagbigay sa kin ng panyo. Si Daniel! Siya nga!

"Uy Daniel!" sabay lipat ko sa tabi niya. apat lang kase kame sa jeep kaya lumipat agad ako.

"Oh. Hi Kat? Tama ba? Yun ang pangalan mo di ba?" Sinabi niya ng may ngiti.

"Oo. Kat ang pangalan ko." sumagot ako ng may kinikilig na ngiti. Lumambot na naman ang tuhod ko at may nararamdaman na naman akong kakaiba sa tiyan ko. Di ako najejebs pero parang may gumagalaw sa loob. Bulate kaya ito?

"Kamusta ka na? Okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?"

"Ah. Oo. Ok na ako. Salamat nga pala ulit ah." Sagot ko ng may malaking ngiti. Syet. Di ko alam kung maganda ba o attractive ang ngiti kong yun. Pero sana lang talaga cute ang dating!

Ngumiti lang siya ng bahagya. Ngumiti naman ako ng sobra.

Alam kong mukha na akong tanga sa ngiti kong yun. At halatang halata na kinikilig ako pero di ko mapigilan. Di ko mapigilan ang saya na nakita ko ulit siya. Nakausap at nakatabi.

Ayoko ng pumara kahit saan magpunta. Ayoko ng pumara pag ikaw ang kasama. Ayoko ng pumara, ayoko ng pumara. Ayoko na ah ah. ♫

Kung may background music lang talaga ang buhay. Eto na talaga ang tumutunog ngayon. :")

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon