Day 27. Larawan.

16K 186 8
                                    

"Papasok ka na kat? Gusto mo hatid kita? Ok ka na ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Ma. Ok lang po ako. Wala namang..... ok lang po talaga ako." malamya kong sagot.

Umalis ako sa bahay. Nababagabag. Kinakabahan sa pwedeng mangyari. Ang weird ng ganitong feeling.

Nag-aabang ako ngayon ng masasakyan sa jeepney stop. Tumingin sa kaliwa at kanan. Di tulad ng dati na si Daniel ang hinahanap ko, ngayon. Nagmamatyag ako ala detective conan sa snatcher na nanakit sa kin at tatlong lalaki kahapon. Ok. Wala naman sila. Clearrr. Sumakay ako ng jeep at umupo sa paborito kong place sa bandang gitna.

Beep Beep. Tinignan ko ang cp ko.

"Goodmorning kat. Stay safe. :)" -Albert.

Napangiti ako sa text ni Albert. Talaga si mama, sinave ang # ni Albert sa cp ko. Halatang boto kay Albert. Di na ko nagreply. Tinago ko ang cp ko sa bag.

Beep Beep. Binuksan ko ulit ang cp ko.

"Kat. Save mo # ko." -Daniel

"Daniel?" kinausap ko sarili ko ng may halong ngiti. Nagreply agad ako. Di na iniisip yung rule sa pagtext na mag-antay ka muna kahit 5 minutes bago magreply para di mukhang patay na patay.

"Uy Daniel goodmorning. Sige :)" -Send. Hihihi. bakit ba ko kinikilig? Walang ganito yung naramdaman ko dati e? Kelan nga ba yun? Ah basta kung sa panaginip man yun o saan. Kinikilig ako! :">

Beep be--


Binuksan ko agad ang message.

"Text mo ko pag may nangyare ulit. Ge. Ingat." -Daniel

"Ok :) Ingat din :) :) :)" -Send.

"Ano ba Kat?! Bakit ang daming smiley? Tapos ang bilis bilis pa ng pagreply mo. Gosh naman. Halata ka na." Kinakausap ko na naman ang sarili ko with hand gestures na pagpukpok pa sa ulo ko.

Iniisip siguro nung babaeng kaharap ko sa jeep, nababaliw na ko pero keri lang. Basta alam ko, Masaya ako at sa sandaling yun parang nawala ang kaba na nararamdaman ko.

Bumaba ako sa jeep. NagLRT at pumasok na sa gate ng college namen.

Lumakad ako sa hallway. Pilit inaalis sa isip ko ang mga bagay na bumabagabag sakin.

"Tumitingin ba sila sa kin? O sadyang assuming lang ako?" nababalisa kong tanong sa sarili ko.

Deadma. Deadma. Wag mong pansinin kat. may mali ba sa damit ko. Deadmahin mo sila. Di ka nila tinitignan.

Nakita ko si Majo at Lance.

"Majo! lance!" nakangiti kong tawag sa kanila

"Kat. Lika muna. Labas tayo." salubong ni Lance na parang may tinatago sa kin.

"Oo nga kat. tara tara!" dagdag ni Majo.

"Kakarating ko lang lalabas na? Ano bang nangyayare? Ha? Kanina pa ko nakakahalata e. Tingin sila ng tingin. Tapos kayo. Ano ba yun? please sabihin nyo naman sakin?"  tanong ko na nangingilid na ang luha.

Ipinakita sakin ni lance ang isang picture ng babaeng natutulog na nakasleeveless na mejo nakataas ang damit hanggang sa pusod katabi ang isang lalakeng nakatopless. At. at. at. AKO ANG BABAENG YUN.

"Kat. Alam nameng edited to. Pero ang daming pictures na kumakalat kat.." mahinang sabi ni lance.

Tumakbo ako papalayo kasabay ng pagtulo ng luhang kagabi ko pa pinipigilan. Umupo ako sa likod ng canteen. Dun sa walang tao. Kinuha ko ang cp ko habang umiiyak.

"Daniel." - Send.

Di ko alam kung bakit ko sya tinext at kung bakit yun lang ang nasabi ko sakanya.

5 minutes.. 15 minutes.. 25 minutes..

"Kat."

Inangat ko ang ulo ko sa pagkakatungo dahil sa isang pamilyar na boses.

Hinawakan ako ni Daniel sa kamay at lumakad kami papuntang hallway.

"Daniel.. Yung mga pictures.. nagkalat sila sa hallway.." mahina at naiiyak na sagot ko.

Binitawan ako ni Daniel at nagsimulang kunin ang bawat pictures na nakadikit sa hallway habang maangas na tinitignan ang bawat taong nakatingin.

"P're sino ka ba? Ang angas mo ata." sabat nung isang lalakeng may highlights sa buhok.

"Anong pake mo kung sino ako." mas maangas na sagot ni Daniel sabay alis.

Sinundan ko si Daniel.

"Daniel!" sigaw ko. Tumigil siya. Lumapit ako.

"Salamat." sabi ko.

"Pupuntahan ko sila. Mga ungas sila. makikita nila hanap nila." sagot ni daniel na parang nag-aapoy ang mga mata.

"Daniel. Wag na. Baka kung ano pang mangyari sayo. Ok lang naman e."

"Hindi." matipid na sagot ni Daniel.

Umalis si Daniel. Sumakay sa white sports car niya at pinandar.. Walang may alam kung ano ang mga susunod na magaganap.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon