Beep beep. One message received.
From: Daniel ♥
"Usap tayo Yna. 11. Sa favorite coffee shop naten."
Mabilis tumakbo ang oras. Naligo. Nag-ayos at umalis si Yna patungo sa coffee shop.
"Goodmorning Ma'am. Welcome!" magiliw na bati ng isang staff. Ngumiti lang pabalik si Yna. Lumingon sa kanan. sa kaliwa hanggang sa makita niya si Daniel sa bandang sulok na lamesa nag-aantay.
Umupo si Yna. Tumingin si Daniel pero mabilis na tumungo ulit.
"What's the problem Daniel?" tanong ni Yna. Bumuntong hininga lang si Daniel na tila hirap na hirap magsalita.
"Daniel. Don't be hard on yourself and to me. Sabihin mo na lang please?" naluluhang tanong ni Yna na halatang halata ang pagpipigil ng iyak sa kanyang boses.
Tumingin si Daniel kay Yna. Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga at pinunasan ang luha sa mga mata.
"Naging unfair ako sa'yo. Wala akong ginawa kundi paiyakin ka. saktan ka. balewalain ka." sabi ni Daniel.
Hinawakan ni Yna ang mga kamay ni Daniel na nakahawak sa pisngi niya.
"Minahal mo naman ako daniel di ba? naging masaya ka din naman sa kin di ba?" tanong ni Yna na pilit na ngumiti kahit na lumuluha.
Tumungo bilang pagsang-ayon si Daniel.
"I loved you once Yna... i'm sorry." sagot ni Daniel sabay alis sa kamay sa pagkakahawak sa pisngi ng nasaktang babae.
"Nung una. Niligawan lang kita dahil alam kong gusto ka ng isang kaibigan. Di ko alam kung bakit ako ng astang ahas. Pero nung nakilala kita, nakasama. Nagustuhan na din kita, minahal. Pero di nagtagal yun. Hinahabol ako ng nakaraan na di ko maamin. Nanira ako ng pangarap ng isang taong na pasayahin ka, mahalin ka ng sobra. Inagaw ko ang babae sa bawat panaginip niya." sabi ni Daniel na pigil na pigil ang luha.
"Malayo ang panaginip sa katotohanan. Ako nga siguro ang babae sa panaginip ng kaibigan mong yun pero sa totoong buhay hindi ako ang babaeng nararapat sa kanya."
"Yna..."
"Kahit na papiliin ako sa inyong dalawa. Ang mala-panaginip niyang pagmamahal sa kin o sandaling pagmamahal mo. Mas pipiliin pa din kita. Dahil yun ang totoo. Masakit magmahal. DI tulad ng sa panaginip na pag nasaktan ka pilitin mo lang gumising wala na. Di nga din siguro ako ang babae sa mga panaginip mo Daniel pero sa totoong buhay, ako ang babaeng nagmahal sa'yo ng totoo." umiiyak pero pinilit ngumiti ni Yna sabay tayo at alis.
Habang papalayo si Yna ay kasabay ito ng unti-unting paglayo ng isang masakit na nakaraan.
"Sana nga panaginip na lang ang lahat. Para wala na kong nasaktan..." bulong ni Daniel sa sarili habang ramdam na ramdam ang sakit na ginawa niya sa dating kasintahan.
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...