*Kat POV*
Nakapalibot sina lola, mama, papa na kakadating lang sa Pilipinas, lance, Majo at Albert habang inaalis na ng doctor ang benda sa mga mata ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Malabo sa una... Naaaninag ko ang mga mukha nilang nakangiti.. Unti-unting lumiwanag ang paningin ko.. Niyakap ko si Mama, lola at si papa. Ang saya-saya ko na nandito ulit si papa.
"Thank God. Masayang masaya ako anak. Maayos na ang kalagayan mo." sabi ni papa habang mahigpit na nakayakap sa kin.
"Miss na miss na po kita papa. Mama, lola. Nakikita ko na po kayo. Ang saya-saya ko po." sagot ko habang umiiyak.
"Oh teh! kita mo na ulit beauty ko ha. I'm so happy for you." sabi ni Majo.
Lumapit ako kina Lance, Majo at lance at niyakap sila isa-isa.
"Ok na ulit ang lahat. Maraming salamat, Majo, Lance, Albert. Ang dame ko sa inyong utang.." sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.
"Sobrang saya ko. Binigyan ng kasagutan ang dasal ko." mahinang sabi ni Albert.
"Oh, bibili muna kame ng makakaen naten ha. Dapat tayong magcelebrate! Hintay muna kayo dyan Kat ha." sabi ni mama sabay aya kina lola at papa.
Lumabas ng kwarto sina mama, papa at lola.
"Lily, matanong ko nga pala. Sino yung donor ni Kat? At kamusta siya? buhay pa ba siya o ---? " tanong ni Lola.
"Ano po kasi e... Ano.. ahh.." nauutal na sagot ni mama.
"Lily. Sabihin mo na samin ang totoo.. We also need to know." sagot ni Papa.
"Hindi ko inaasahan na gagawin niya yun... para kay Kat..." sagot ni mama na hindi makatingin sa mga mata nila lola at papa.
"Lily. Sino siya?" tanong ni lola sabay hawak sa mga kamay ni mama.
"Si...si....si Daniel." sagot ni mama.
"Daniel? Kaibigan siya ni Kat?" tanong ni papa na walang kaalam-alam tungkol kay Daniel.
"Si... daniel?? Oo, kaibigan siya ni Kat, pero parang mas higit pa doon. Lily, sagutin mo ako. *hawak sa balikat* Nasaan ngayon si Daniel"?
Tumungo lang si mama.
"*mas mahigpit na hawak sa balikat* Lily. Buhay pa ba siya?!" tanong ulit ni lola.
Tila sinagot lang ni mama ang mga katanungan ni lola sa pamamagitan ng isang mahigpit na yakap...
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...