Nakatayo ako ngayon sa tabi ng kalsada. nag-aantay ng mga pogi. De joke lang. Nagaantay talaga ako ng jeep papuntang school. Ang tagal naman ng jeep parang ang ilap niya sa kin. Oops. May nakita na ko. Pinara ko ang jeep at saka sumakay.
Pag sumasakay talaga sa jeep parang nakamasid ang mga mata ng mga ibang pasahero no. Di mo alam kung dinadaot ka ba nila o sadyang nagagandahan lang sila sayo. Pwes, kung mahilig sila tumingin tingin. Ganoon din ako! Nakatingin ako sa mga pasahero sa jeep. May magandang kolehiyala. Tiga CEU. Kulot ang buhok, maputi at may brace. Meron ding mukhang tambay lang. actually tatlo silang magkakasama, isang nanay na may dalang supot ng gulay, dalawang elementary student na bigat na bigat sa bag niya. At isang gwapong lalake sa dulo.
TEKA. Pinagmasdan ko ng mabuti ang gwapong lalake. Parang kilala ko siya.
"Manong, bayad ho," Nagbayad siya. Pinagpasapasahan ang baryang pamasahe niya hanggang napunta sakin para iabot sa driver.
"Manong, bayad ho,""Manong, bayad ho,""Manong, bayad ho," "Miss, dito ka na." "Miss, dito ka na.""Miss, dito ka na.""Miss, dito ka na.""Manong, bayad ho,""Manong, bayad ho"
Oh my gulay! As in capital OH MY GULAY! yun ang boses na yun! Siya yun! Di ako pwedeng magkamali. Tumingin ako sa kanya. Pero wala na siya sa dulo ng jeep.
"Ma, para ho." Di ko alam kung ano ang nagtulak sa isip ko para bumaba ng jeep at sundan ang lalakeng yun.
Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Hanap.
"Nasaan na sya? badtrip naman!" Nagpatuloy ako sa paglalakad, umaasang makikita ko pa ulit siya. Sa pangalawang pagkakataon. Lutang. Tulig. Hilo ulet ako.
Bumalik ako sa pinanggalingan ko at aksidenteng may nabangga ako.
"Sorry. Sorry." sabi ko.
"Okay lang." sabi niya,
laking gulat ko ng marinig ko na naman ang isang pamilyar na boses.
"Manong, bayad ho,""Manong, bayad ho,""Manong, bayad ho," "Miss, dito ka na." "Miss, dito ka na.""Miss, dito ka na.""Miss, dito ka na.""Manong, bayad ho,""Manong, bayad ho" ---- "Okay lang."
Lumingon ako. At nakaharap ko ang isang gwapong lalake.
May kalakihan ang mata pero parang may pasingit sa dulo. May kalakihan ang eye bags pero mas nagpaganda pa to sa mga mata niya. Matangos ang ilong. Maganda ang labi. Matangkad. at GWAPO.
"Okay ka lang?" tanong niya.
"Ah. Oo. Okay lang ako." Kinikilig kong sagot na hindi ko pinapahalata.
Ngumiti siya. Yung ngiting parang medyo pinipigil. At umalis na.
"Ano ba tong nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang lamig ng mga palad ko. Parang may mga paru-paro sa tiyan ko. Nanghihina ang tuhod ko at parang nahulog ang panty ko."
Nice to meet you Mr. Dream Guy ♥
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...