"Ma lola, alis na po ako." pasigaw na sabi ko kay mama at Lola na nagkakape sa kusina.
"Sige nak. Wag mo kalimutan payong mo. Malakas ata ulan. Ingat ka." sagot ni Mama.
Umalis na ko sa bahay at sumakay sa jeep.
Pagsakay ko sa jeep ay lumingon ang mga mata ko sa kaliwa't kanan parang may hinahanap na alam ko naman sa sarili ko kung sino. Nagbayad at nagside view. Malakas ang ulan kaya nakababa yung trapal ng jeep, wala tuloy humahampas na malamig na hangin sa mukha ko.
"Si Daniel yun ah." tiningnan ko ng maigi ang lalaking tumatakbo sa kabilang kalye na parang may hinahabol.
"Oo si Daniel nga! Manong, para ho. Para. Para." sabi ko ng may kasama pang 3 hila dun sa "pull the string to stop"
Bumaba ako sa jeep. at tumawid agad ng makakuha ng tyempo. Tumakbo ako para habulin si Daniel. Hinubad ko ang sapatos ko para mas mabilis ang takbo. Ambilis ng mga paa ko parang may kung anung magic.
"Daniel! Daniel! Anong nangyayari?" pasigaw kong tanong nung nakita kong medyo malapit na ko sakanya.
"Yung bag ko ninakaw!" pasigaw na sagot niya.
nakita ko ang isang lalake na may dala-dalang bag. Medyo malayo na siya sa min ni Daniel. Bigla akong nagpara ng jeep at sumakay.
"Manong! Dun lang ako sa tapat ng lalaking tumatakbo. bayad ko manong oh, catch! PARAAAA!"
Sakto ang pagbaba ko sa jeep, harap na harap nung magnanakaw. Sinuntok ko siya ng buong lakas sa mukha sabay hablot sa bag ni Daniel.
"Tulongggggggggggggggg! Magnanakawwwwwwwwwwwwww! Pulis! Pulis! Pulis tulongggggggg!" sobrang lakas na sigaw ko.
Tumakbong mabilis ang magnanakaw. Iniwan ako sa gitna ng sidewalk na yakap yakap ang bag, basang basa ng ulan at may sobrang duming paa.
"Kat!" sigaw ni Daniel.
Lumapit siya sa kin at ibinigay ko ang bag niya,
"Eto na yung bag." sabi ko sabay abot sa kanya ng bag.
"Salamat Kat. Ang dami kasing importanteng bagay dito." sagot ni Daniel.
"Wala yun. Wala yun. Kahit naman siguro sino tutulungan ko pag ganun." sagot ko na may kasama pang hand gestures.
Ngumiti lang ng bahagya si Daniel, Umakbay siya sa kin para dalhin ako sa waiting shed.
"Pano ka na nyan papasok e basang basa ka ng ulan?" tanong niya.
"Di na ko papasok! Hahahaha!" sagot ko na may kasamang tawa.
Ngumiti lang ulit ng bahagya si Daniel. Kapag nakikita ko siyang nakangiting ganun ewan ko ba kung bakit sobrang saya ng pakiramdam ko.
Kinuha niya ang jacket sa bag niya. At ibinigay sa kin.
"Hindi nabasa ng ulan?" tanong ko.
"Waterproof." matipid niyang sagot sabay turo sa bag niya.
Ngumiti ako para pagtakpan ang katangahan ko.
"Isuot mo na. Baka magkasakit ka."
Sinuot ko ang jacket niya, buong pusong pinipigilan ang kilig at tuwang nararamdaman ko.
"Nakakatawa. Lagi ka nalang nandyan pag napapasok ako sa mga ganitong sitwasyon." biglang sinabi ni Daniel sabay tingin sa langit.
"Oo nga e. Coincidence." sagot ko. Sa totoo lang, ang gusto ko talagang sabihin sa kanya e, destiny yun Daniel. Kita mo na? tayo talaga para sa isa't isa. Pero syempre di ko sinabi yun.
"Coincidence? Hmm. Siguro nga. Pero sa tingin ko, hindi lang to coincidence." pahina ng pahinang sagot niya habang nakatingin pa din sa langit.
"ha?"
"Wala. Tara hatid na kita pauwi." sabi niya sabay hawak sa braso ko.
Napatulala lang ako di makapaniwalang ihahatid ako ni Daniel.
"Ano? Tara na." sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Nilabas ko ang payong ko sa bag. Magkasama kaming nag-share sa payong ko habang naakbay siya sa kin papunta sa kotse niyang naka-park.
:"> ♥
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...