Day 23. Cruz family meets Daniel.

17K 198 6
                                    

Bumaba na kami ni Daniel sa white-sports car niya. Malakas ang ulan. Tumataas ang baha. nasa tapat kami ng gate naming nakalock.

"Maaaa. Lolaaaa. Maaaa!" pasigaw kong sabi ng may kasamang katok.

"Sandaliiiiiii langgg." mahaba at pasigaw na sagot ni mama.

Binuksan ni mama ang gate. Laking gulat niya ng makita niya akong umuwi agad at basang basa pa.

"Oh kat-kat! Suspended na ang klase. Binalita na. Tska bakit basang-basa ka?" nag-aalalang sabi ni mama na may kasama pang hawak sa braso ko.

"Hmm. Good morning ho, tita" biglang nagsalita si Daniel.

"Oh. Hello. Goodmorning din." gulat na sagot ni mama sabay tingin sakin na alam ko na ang ibig sabihin.

"Pasok na kayo. Basang-basa na kayo."

"Apo. Buti maaga ka nakauwe. suspended na ang klase. Naka-red alert na dito sa Metro Manila sa lakas ng ulan." sinabi ni Lola habang sinasalubong kami na may dala-dalang tuwalya.

"Magandang umaga po Lola." sabi ni daniel na may kasamang pagmano.

napangiti ako. napangiti din si mama pero nung nagkatinginan kami ay biglang inalis ni mama ang ngiti niya.

"Kaawaan ka ng Diyos. May kasama pala kat-kat. Saglit lang apo, ikukuha kita ng tuwalya."

"Wag na po. Lola. Ayos lang po ako." sagot ni Daniel na may kasama pang aprub sign.

"Ahh. oo nga po pala. Siya si Daniel, mama, lola. Daniel, Mama at lola ko nga pala."

"Nice to meet you po tita. lola." sabi ni Daniel na may kasamang bahagyang ngiti.

Ngumiti si Lola sabay upo sa sofa. Halatang pilit naman ang kay mama sabay senyas sa kin na pumuntang kusina.

"Pagluluto ko lang kayo ng sopas para mainitan ang tiyan nyo. Nay, kuha nyo naman ng damit si Daniel sa taas para makapagpalit, baka magkasakit pa siya. Ikaw naman Kat, magpalit ka na ng damit at tulungan mo na ko sa kusina."

Dali-dali akong nagpalit ng damit. Long-sleeves at shorts. at dumerecho na sa kusina, hindi actually para tumulong sa pagluluto kundi pakinggan ang sasabihin ni mama.

"Kat. Boyfriend mo ba yun? Bakit kayo magkasama? Bakit kayo basa? Saan yan nakatira? Bakit di ko yan kilala?"

"Ma, kalma lang. mahina ang kalaban. Hindi ko siya boyfriend, kakilala ko lang siya. magkasama kami kasi tinulungan ko siya kanina dun sa nagnakaw ng bag niya. Pero teka lang ma. Uunahan ko na kayo. Nabawi na namen ang bag kaya wag na magreact ng OA. basa kami kasi umuulan? Sa Qc lang din ata siya nakatira at hindi mo siya kilala dahil hmm. ano ba? atleast ngayon kilala mo na siya Ma di ba?"

Napabuntong-hininga lang si Mama at nagpatuloy sa paghalo ng sopas na niluluto. Ngumiti lang ako ng pang-asar.

Pumunta ako sa sala para icheck si Daniel. Nagulat ako ng makita kong suot niya ang t-shirt at short ni Papa. Hindi perfectly suited sa kanya pero ang gwapo gwapo niya.

"Perrrr-fect." mahinang bulong ko.

"Kasya naman pala sa kanya yung damit ni Jeff." sabi ni Lola habang nakangiti.

Tumingin si Daniel na parang nahihiya. Nag-aprub sign ako na may halong ngiti at kilig. Ngumiti din pabalik si Daniel ng ngiti niyang parang pinipigilan.

"Kat, Daniel. Luto na ang sopas. Kain muna kayo." pagyayaya ni mama.

"Lika na Daniel. Kain muna tayo. Nakakapagod yung ginawa nating paghabol sa magnanakaw na yun." sabi ko na may kasama pang hawak sa tiyan.

Umupo kami sa dining table. Umalis si Lola at Mama papuntang sala para manood ng balita tungkol sa bagyo. Naiwan tuloy kami ni daniel na mag-isa.

"Thank you nga pala."

"Ha? Wala yun. Gagawin ko naman talaga yun. Tska dapat dapat tinuturuan ng leksyon ang mga snatcher na ganon. Hahaha!"

"I mean, thank you dito sa sopas pati sa pagpapatuloy." ngumiting sagot ni daniel sabay kain ng sopas.

"Ahhhh. Welcome." pahiya kong sagot na may pilit na ngiti.

Tumawa si Daniel.

"Joke lang. Thank you sa lahat." biglang sabi niya.

"Totoong thank you na ba to?" sagot ko. Tumungo lang si Daniel.

Sabay kaming napatawa habang pinagsasaluhan ang mainit na sopas sa mesa. Ang background music ay ang patak na ulan sa bubong ng bahay...

Sa sala:

"Anong pinagtatawanan ng mga yun? Saglit nga at mapuntahan baka may ginagawa na yung pbb teens." sabi ni Mama na may OA na reaksyon.

Hinawakan ni Lola ang braso ni Mama.

"Parang di ka naman dumaan sa ganyan Lily." nakangiting sagot ni Lola.

Umupo ulit si Mama. Nagpatuloy silang nanood ni Lola ng TV habang naririnig ang matamis na tawanan na nanggagaling sa kusina.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon