Day 10. Pag-ibig na ba ito?

20.1K 208 10
                                    

Hikab. Unat. Dasal. Abot ng cellphone.

Walang message si Daniel sakin. Nakakalungkot, nakakadismaya. Baket? Dahil assumera ako.

Pumunta si mama sa kwarto para gisingin ako pero laking gulat niya ng makita nya kong gising na.

"Oh nak. Himala! Gising ka na. Aba. Sige na bumaba ka na, handa na almusal para di ka naman ma-late. Traffic kase d'yan ginagawa yung drainage."

"Sige po Ma. Sunod na ko." garalgal pa ang boses ko.

Ewan ko ba kung baket pag gumigising ako ng umaga parang gulat na gulat si Mama. Kung alam lang niya na gumising ako ng maaga ngayon di dahil takot ako matraffic at lalong di ako takot ma-late. Pero dahil egzoited ako na makita ang message niya pero wala. Isang malaking assumera lang pala ako.

Bumaba ako sa kwarto. Kumaen ng almusal. Naligo. Nagbihis. Nag-ayos. Humingi ng baon. Tumingin ulit sa cellphone. Walang ibang message kundi ang GM ni Majo. Umalis.

Nasa tapat na naman ako ng jeepney stop at syempre matik na tumingin tingin ako sa paligid para magmasid ng isang gwapong lalakeng nag ngangalang Daniel.

"Hayyyy. Sana naman makasabay ko siya."

Sumakay na ako sa jeep. Sa paborito kong pwesto ako umupo. Dun sa bandang gitna. Nagbayad. At nagside view para malasap ng mukha ko ang malamig na hangin.

"Ang sarap sa feelinggggg. Mas masarap sana kung katabi ko si Daniel." sinasabi ko sa sarili ko.

Tumigil ang jeep. Tama nga si Mama. Inaayos ang drainage system kaya traffic.

Humikab ako. Sinandal ang ulo ko. Nakakaantok naman ang traffic na 'to. Kinuha ko ang earphones ko sa bag, sinuksok sa cellphone ko at nagpatugtog. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Kat."

 Parang may tumatawag sakin. Pero deadma lang. Baka nagpapaabot lang ng bayad pero infairness ha. Alam niya ang pangalan ko.

"Uy Kat."

May tumatawag ata talaga sa kin. Dinilat ko ang mata ko at tumingin. Medyo malaki ang mata niya pero may pasingit sa dulo, malaki ang eyebags pero lalong bumagay yun sa mga mata niya. Matangos ang ilong, maganda ang labi na parang laging pinipigilin ang ngiti.

"Kat." nagsalita siya ulit.

"Uy Daniel! Ikaw pala." Biglang nanlaki mata ko ng marealize ko na si Daniel nga ang lalakeng kaharap ko.

"Kamusta ka na? kanina ka pa ba nakasakay?" parang kabang-kaba akong nagsalita.

"Ayos lang. De kakasakay ko lang. Bakit parang kinakabahan ka? May problema ba?"

"Ha? Wala. wala. Natutuwa lang akong nakasabay ulit kita. Kase syempre, parang koreanovela. Uhmm. I mean. Hindi pero ganon. pero kaseng... " Syet. Nagulat ako sa sarili ko ng sabihin ko yun bigla.

"Talaga? Ang cute mo talaga." nagsalita agad siya bago ko pa matapos magsalita.

"Ako cute? Maliban dun ano pa alam mong joke?" 

"Totoo yun. Alam mo kat, may kamukha ka." Seryoso ang mukha niya habang sinasabi yun.

"Ha? Sino?"

"Dream girlfriend ko." sagot niya sabay tungo na parang nahihiya.

Oh my gosh! Eto na ba yun? Is this the moment? Anong gagawin ko? Parang lalabas ang puso ko sa tuwa at kilig.

"Talaga? Alam mo may kamukha ka din e." pacute kong sinabi.

"Sino naman?" tumingin siya sa kin.

"Yung dream boyfriend ko." sagot ko sabay ngiti.

Nagkatinginan kame. Ngumiti siya ng saglit at tumingin sa labas ng jeep. Ngumiti naman ako ng todo habang nakatitig sa kanya.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. At nilapit sa kanya. Tumingin siya sakin at ngumiti ulit ng saglit at binaling ulit ang tingin sa labas ng jeep.

"Ano ba tong nararamdaman ako? Pakiramdam ko sasabog ang puso, dugo, atay, balun-balunan, kidney at lahat ng parte ng katawan ko sa kilig. Gustong lumabas ng ilang libong paru-paru sa tiyan ko. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pero ang alam ko masaya ako. Masayang masaya..."

♫ Pag-ibig na kaya. Pareho ang nadarama ito ba ang simula. Di na mapipigilan, pag-ibig na ito. Sana'y di magbago ang nadaramang ito. Pag-ibig na kaya ito? ♫


Biglang tumunog ang kantang yan sa isip ko. Mas masaya talaga ang buhay kung sana may background music sa mga ganitong pagkakataon.

Biglang prumeno ang jeep. Nabitawan ko ang kamay ni Daniel. At... at.... at nagising ako.

♫ Pag-ibig na kaya. Pareho ang nadarama ito ba ang simula. Di na mapipigilan, pag-ibig na ito. Sana'y di magbago ang nadaramang ito. Pag-ibig na kaya ito? ♫ 


Kumakanta si Rachel Ann Go at Christian Bautista sa playlist ko. Inalis ko ang earphones ko. Tumingin sa tabi ko. Wala si Daniel. At ang konti lang ng ginalaw ng jeep namen simula kanina. Tinignan ko ang kamay ko. Inamoy. Amoy pabango ko pa din. Tumingin ako sa labas ng bintana, umaambon na pala.

Ang lungkot ng panahon. Madilim. Parang sumasabay sa nararamdaman ko ng oras na yun.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon