Day 25. Albert vs. Daniel

16.9K 193 7
                                    

"Doc, ok na po ba talaga kaming umuwi?" tanong ni mama.

"Yes Mrs Cruz. Base sa results ng eye check ay ok na si Kathy. Pero I would recommend you na ipa-eye check pa sya ulit para makasigurado tayo." sagot ng gwapong doctor na kahawig ni Dr. Park sa my girlfriend is a gumiho.

"Yes doc. Salamat po. Una na po kami. Lika na Kat." sagot ni mama.

Nakakadilat na ko ng maayos kaya nasilayan ko na ang kgwapuhan ni doc. Umuwi na kami ni Mama sa bahay. Paulit-ulit nya kong tinatanong kung ok ba talaga ako o kung ano masakit sakin. Kahit na pala pasaway ako, kitang kita kung gano ako kamahal ni mama.

Paguwi namin sa bahay ay sinalubong agad ako ni Majo at lance.

"Katttttt! ano ok ka na ba? ha? ha?" pangungulit ni Majo habang nakahawak sa braso ko.

"Oo nga kit-kat. akala namin kung ano na talaga nangyari sayo." dagdag ni Lance na for the first time ay hindi masyadong nang-asar.

Ngumiti sakin si Majo. Nakangisi siya habang clueless ako kung bakit.

"May bisita ka pa.." sabi niya na may landi sa boses.

Tumingin ako sa sofa at nakita ko si Daniel.

"Da...niel? bakit ka nandito?" nauutal na tanong ko.

"Nakita ko kasi si Lola kaya nasabi niya sakin ang nangyari sayo. Yung snatcher palang yun ang may sala. Hahauntingin ko talaga yun. Bakit ka niya sinaktan." maangas na sagot ni Daniel habang nanggigil ang mga kamao.

"Naku okay lang daniel. Ok lang talaga ko." nakangiti kong sagot na para bang nalimutan ko ang sakit sa mata ko.

"Ehem. ehem." biglang sumingit si mama.

"Dito na kayong kumaen Majo. Magluluto muna kami ni Nanay ng pagkain. Dyan na muna kayo." sabi ni mama na may kasamang isang tingin sa kin na alam ko na ang meaning.

Umupo kaming apat sa sala. bukas ang TV. Walang nagsasalita. nakangisi si Majo. Nakatingin si lance kay Daniel. Naiilang na nakayuko si Daniel.

"Ahhh. oo nga pala. guys. Si daniel nga pala. Daniel, si Marie Jo tska si lance mga kaibigan ko."


"Hi Daniel! Nice to meet you." masayang bati ni Majo na di ko alam kung natutuwa lang talaga o nang-iinis.

"Ahh. ikaw pala si Daniel. Ikaw yung--" sabi ni Lance.

Bago pa man matapos si lance sa pagsasalita ay tinakpan ko na ang bibig niya.

"Ikaw yung sinasabi ko sa kanilang tinulungan ko nung isang araw. Ha-ha-ha." sabi ko na kasamang masamang titig kay Lance.

"Ahh. Nice to meet you." sagot ni Daniel na may kasamang bahagyang ngiti at tungo.

TOK TOK TOK.

Binuksan ko ang pinto. Si Albert.

"Oh Albert. Bakit ka nandito?"

"Binibisita ka. Nag-aalala kasi ako sa'yo. buti naman mukhang ok ka na." sagot ni Albert na may kasamang sweet na ngiti.

Iba si Albert kay Daniel sa lahat ng aspeto. Hindi ko mapaliwanag kung bakit pero yun ang nararamdaman ko.

"Albert! Tuloy ka. Dito ka na lang din kumain. Buti naman at nakadalaw ka." biglang sabat ni mama na sumisilip pala sa min.

"Dadalawin ko po talaga si kat. Sige po Tita. Siguradong masarap ang luto niyo. " sagot ni Albert sabay pasok sa loob at upo sa sofa sa tabi ni Daniel.

Bumalik ako sa upuan ko. "AWKWARDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD" parang may kung sa anong tunog ang naririnig ko na yun ang sinasabi.

"Ah. Si Albert nga pala. Albert, si Majo, Lance tska si Daniel." pagpapakilala ko ulit.

"Nice to meet you. Tska ikaw pala si Daniel. balita ko ikaw yung dahilan kung bakit ginantihan si Kat nung lalakeng yun. By the way. nice to meet you pa din p're." sabi ni albert na may kasamang tapat ng kamay kay daniel para mag-hand shake.

"Not so nice to meet you." sabay shake hands kay Albert na may kasamang maangas na ngiti.

Nagkatinginan lang kami ni Majo at lance.

"Nambabastos ka ba p're?" mahina at kalmadong tanong ni Albert.

"Ako? Nambabastos? Eh kung tanungin mo yan sa mukha mo? Tutal mukha ka naman nerd. Matalino ka na para malaman ang sagot." mas maangas na sagot ni Daniel.

"Uy alam nyo ba may magandang palabas ngayon e. Teka buksan nat---" bigla kong sumingit para mabawasan ang tensyon.

Pero bago ko pa natapos ang sinasabi ko. Biglang hinaglot ni Albert si Daniel sa T-shirt niya.

"Sige. Suntok na." maangas na panghahamon ni Daniel.

Hindi makagalaw si Albert. Pero nanlilisik ang mata nyang nakatingin kay Daniel.

"O bakit di ka makasuntok? Masama bang sumuntok sabi ng nanay mo? O hindi ka sumusuntok ng walang paalam sa mga tao." dagdag ni Daniel sabay hawak sa kamay ni Albert para tanggalin sa pagkakahawak sa t-shirt niya.

Tumayo si Daniel sa pagkakaupo.

"Puro ka lang kuda. Wala ka namang binatbat. Sorry Kat, pero uuna na ko. Pasabi na lang kina Tita at Lola na sumama pakiramdam ko dahil sa kung anong insektong dumapo sa kin. Nice to meet you ulit Marie Jo at lance." napakaangas na sabi ni Daniel na pinipigilan ang inis na kitang kita sa kanyang bibig.

Bago ko pa sya pigilan ay umalis na siya. Tumingin ako kay Albert nakayuko lang sya. Sina Marie Jo at Lance naman ay parang nashock sa mga nangyari. Sinundan ko ng tingin si Daniel mula sa pinto.

"Ibang-iba ang daniel na ito sa daniel sa panaginip ko... parang di ko sya kilala.. parang di siya ang daniel na minahal ko..." nagsasalitang mag-isa ang isip ko.

Binaling ko ang tingin ko kay Albert. Magsasalita sana siya pero inunahan ko siya.

"Ok lang yun Albert. Wala ka namang kasalanan e. Badtrip lang siguro si Daniel." sabi ko na may kasamang bahagyang ngiti.

Ngumiti lang din ng bahagya si Albert. Binaling ko ulit ang tingin ko sa bintana para silipin si Daniel pero malayo na siya kaya di ko na siya matanaw.

Tumingin ako kay Albert. Tumingin ulit sa bintana umaasang babalik at makikita ko ulit si Daniel.

Albert. Daniel. Albert. Daniel. Albert. Daniel. Ang lalaking malapit sa kin? at isang lalaking papalayo na? 

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon