"Nak. Gising na. Huy! Malalate ka na sa klase mo." Paulit ulit na gising sa kin ni Mama na may kasamang tapik.
"5 minutes pa....ma..." antok na antok na sagot ko.
"Kat-kat! Ano ba? Wala ka bang balak pumasok?"
"5 minutes na lang talaga..." Yung totoo? Ayoko talaga pumasok. Ayoko bumangon. Ayoko idilat ang mata ko. Ayoko alisin ang mga muta ko, magmumog, maligo, magbihis. As in! Ayoko bumangon sa kama ko.
Pakiramdam ko may espesyal na koneksyon kame ng kama ko. Pati ang mga unan at kumot ko. Totoo yon. Pakiramdam ko lahat ng nangyayari sa panaginip ko ay totoo.
"Miss." Tanong ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako sa kanya. Malabo ang paningin ko. Di ko sya gaanong makita.
"Miss." sabay kalabit sa balikat ko. "Okay ka lang ba? Namumutla ka."
Unti-unti kong nakita ang mukha niya - ang GWAPO niyang mukha.
"Oh may gosh. Siya yon. Di ako pwedeng magkamali." bumulong ako sa sarili ko. Tumingin ako sa kanya. Di ko mapigilan kiligin. As in kiligin ha! Yung makalaglag panty na kilig.
"Ah okay lang ako. Salamat" Hiyang-hiya kong sinagot sa kanya. Parang ang lambot ng tuhod ko.
"Okay ka lang ba talaga? nagdudugo ilong mo." Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinahid sa dugo ng ilong ko.
Di ko alam kung huminto ba ang oras ng sandaling yun. Basta, di ko mapaliwanag. Di ba dapat mahiya ako na may dugo sa ilong ko at pinupunasan niya pa. Utang na loob. Baket nya ko dapat makita sa ganitong sitwasyon. Nalilito ako. Kinikilig. Nanghihina. Nahihilo. Ewan. Basta di ko alam ang dapat kong maramdaman at gawin. "Bakit nga ba ko nagnose-bleed? Nakakanose-bleed ba ang kagwapuhan niya? Nako. Kung ganoon man, mauubos na dugo ko."
"Salamat. Okay na ako." Sabi ko sa kanya. Syete. Di naman yun ang gusto kong sabihin e. Gusto kong sabihin na "Ang gwapo mo. Mahal na ata kita. Pakasal na tayo, please?" Pero syempre ayoko naman mag mukhang pathetic kaya di ko sinabi yun. Sa ngayon.
"Wala yun. Sa tingin ko may sakit ka. Umuwi ka nalang muna sa inyo at magpahinga." Sabi niya sabay abot sa panyong may dugo galing sa ilong ko. "Kunin mo na muna to, hmm. Ano nga ba pangalan mo?
"Kathy. Kat nickname ko. Ikaw si?" Sagot ko.
"Daniel. Kunin mo na muna to kat." Sagot niya sabay abot sakin ng panyo.
"Thank you Daniel! Nice to meet you." Sagot ko na may halong ngiting kinikilig.
Ngumiti lang siya. Yung ngiti ulit na parang pinipigilan. "Sige." matipid niyang sagot, sabay para at sakay ng jeep.
Nakatingin lang ako dun habang papalayo ang jeep na sinasakyan niya. Parang kong tulig, lutang, hilo dahil kay Daniel.
Teka, nahihilo ako. Hinawakan ko ang ilong ko. May pula. "Haaaaa? May dugo! Nagnonose bleed na naman ako." pinunasan ko ang dugo gamit ang puting panyo na binigay ni dream guy. Ang dameng dugo. Nahihilo ako. Dugo. Ang dilim. ano ang nangyayari? Wala akong makita...
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...