"Kat, sigurado ka bang ok ka lang dito? O baka gusto mo sumama samin ni Nay?" tanong ni Mama.
"Ok lang ako Ma. Magpapahinga po muna ako. Para ok na ok na ko sa pagpasok sa school bukas. Ingat po kayo ni lola." sagot ko na may pag-aprub sign pa.
"O sige kat. May pagkaen sa kusina. Kumain ka na lang pag nagugutom ka. Tska wag mo kalimutan yung gamot mo tska --"
"Ok na po ma. Alam ko na po yan lahat." sagot ko bago pa matapos ni mama ang mga bilin niya na may kasamang medyo pang-inis na ngiti.
"O sige sige. Una na kame. Ingat ka dyan." naiiling na sagot ni mama.
"Bye ma. Bye lola. Ingat po." sabi ko.
Mga 5 minutes pagkaalis nila mama ay dali-dali akong naligo, nagbihis at umalis pa puntang jeepney stop. Gusto kong makita at makausap si Daniel pagkatapos ng nangyari sa sagutan nila ni Albert kahapon. Kung bakit? hindi ko din alam...
Nakaupo ako sa waiting shed ng jeepney stop.. 1 hour.. 2 hours.. wala akong Daniel na natanaw.
"Nakakainis naman kase. Di ko sya matext kase wala kong # niya. Wala na atang pag-asang makausap ko siya ngayon." nagta-tantrums na bulong ko sa sarili ko.
Umalis ako. Sumakay ng jeep at bumaba sa park na malapit sa isang mall. Umupo sa bench at nagpahangin. F na F ko ang lamig ng hangin. Pinikit ko ang mata ko.
"Oh tignan mo nga naman pare. Nakita ulit natin ang atribidang bubuwit."
Dinilat ko agad ang mata ko. Laking gulat ko ng makita ko ang 3 lalake sa harapan ko. Ang mga lalaking nambugbog kay Daniel dati. ( "Day 21" :p)
"Anong kailangan nyo sa kin, huh?" sabi ko sabay tayo.
Lumapit sa kin yung pinaka-boss nila. Lumalakad naman ako ng paurong sa takot.
"Wala. Hmm. Cute ka naman pala e. Di ba mga p're?" ngumingising sabi niya.
Hinawakan ang braso ko nung isang lalake.
"Wag ka na magpakipot. Hahahaha! Pare, pwede ng tigi-tigisang kiss"
"BItiwan mo ko. Tulonggggggggggggg!" sigaw ko habang pumapalag.
Tinakpan ng isang lalaki ang bibig ko. Pumapalag ako pero di ako makalaban. hinawakan nung isa pang lalaki ang mga braso ko. Sinipa ko sya.
"hayop ka talagang bubuwit ka ha!" sagot ng nasipa ko ng malakas.
Sinuntok ako sa tiyan ng pinakaboss nila. Sobrang sakit. Unti-unting dumilim ang paningin ko. Humihina ang mga tawa at boses nila. Nawawalan na din ako ng lakas lumaban. Binuhat ako. Wala na akong magawa...
Setting: Bahay. 8:00 pm
Tumawag si Mama kay Majo at Lance. Nag-aalala. Agad nagpanic sina Majo at nagusap sa cellphone/
Majo: Lance! Ano na? Nakontact mo na ba si kat? Nag-aalala na ko.
Lance: Wala ngang sumasagot. Kahit naman ako nag-aalala na. Di kaya kasama si Daniel?
Majo: Hindi ko alam. Wala din naman akong # ni daniel. Baka si Albert kasama?
Lance: Mukhang harmless naman yung si Albert. Dun sa barumbadong daniel na yun ako nagdududa. Maghahanap hanap muna ako baka sakaling makita ko si kat. bye.
__
Tumawag din si Mama kay Albert na hinihinga pala ni mama ang # after ng nangyari kahapon.
Mama: Goodevening Albert, kasama mo ba si Kat? Wala pa rin kasi siya sa bahay. Di din sinasagot yung phone. Kinukutuban na din ako.
Albert: Po? Hindi ko pa sya kasama. Pero alis na po ako. hahanapin ko na po siya.
Mama: Salamat. magrereport na din ako sa mga pulis.
__
Huminto ang isang white sports car sa harap ni lance. Laking gulat niyang si Daniel ang nagd-drive kasama si Yna
"P're. Sakay ka na." sabi ni daniel na parang clueless sa mga nagaganap.
"Di mo kasama si Kat?" tanong ni Lance kay daniel na nakasilip sa bintana ng kotse.
"Kat? Sino si kat?" tanong ni Yna.
"Si kat? Bakit anong meron? may nangyari ba kay Kat?" tanong ni Daniel na may pag-aalala sa boses.
"Nawawala siya. Akala ko nga kasama mo sya. Edi ibig sabihin, kung hindi mo sya kasama. talagang nawawala si Kat." sagot ni Lance na may paglaki ng mga mata. OA na reaksyon.
Sinarado ni Daniel ang bintana ng kotse. Wala ng pakealam kay Lance sabay andar.
"Ihahatid na kita sa inyo. Tska na tayo mag-usap. Kailangan kong hanapin si Kat." sabi ni Daniel na halatang di mapakali at nag-aalala.
"Tska na tayo mag-usap? Daniel! Utang na loob naman. Talaga bang wala na kong halaga sa'yo? kaya tayo mag-uusap para magkaayos na tayo di ba? Sino ba yang Kat na yan ha! Wala kang kwenta." naiiyak nasagot ni Yna.
"Pwede ba, Yna. Wag mo muna ko dramahan ngayon." mahinang sagot ni Daniel.
"Wag mo na kong ihatid. Bababa na ako. Hanapin mo yang Kat mo!" matigas na sagot ni Yna.
Tinigil ni Daniel ang kotse. Bumaba si Yna na nangingilid ang luha. Inandar ni Daniel ang kotse na parang wala taalagang pakealam kay Yna.
"Kat.. kat.. Nasan ka ba." paulit-ulit na sinasabi ni Daniel habang nagmamaneho ng kotse.
Lahat nag-aalala. Lahat naghahanap. Nasaan na nga ba si kat?
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Teen FictionThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...