Ang labo ng paningin ko. Ang sakit pa ng ulo ko. Kinuskos ko ang mga mata ko at saka bahagyang dumilat.
"Nasaan ako? bakit ako nandito?"
"Gaga ka! Anong bakit ka nandito ka d'yan." Sabi ni Mama, sabay hampas sakin ng unan.
"Lily! Wag mo naman hampasin si Kat-kat. Nilalagnat na nga ang apo ko e." Sagot ni Lola.
"Eh kase naman Nay. Kung ano-ano sinasabi. Parang si Dao Ming Zi nung nagka-amnesia." Sumagot ulit si mama.
Lumapit si lola sa kama na may dala-dalang palanggana ng tubig at tuwalyita. Binasa niya ang tuwalyita at nilagay sa noo ko.
"Ayos ka na ba apo? Mataas ang lagnat mo kanina tska nagdudugo pa ang ilong mo. Buti nga bumaba baba na ngayon ang lagnat mo." Nag-aalala ang tono ni Lola.
"Okay lang po ako Lola." sagot ko.
"Aba kat-kat! Akala ko tinatamad ka lang talaga pumasok kaya ka nagtutulug-tulugan! Yun pala e may sakita ka talaga." Sumabat si Mama.
"Ha? Ibig sabihin di ako pumasok ma? Pero bihis na ko kanina. Nasa antayan na nga ako ng jeep e! Dun nagdugo ang ilong ko at nahilo." Sagot ko na may OA na reaksyon.
Kinapa ni Mama ang noo at leeg ko. "May sakit ka pa ata nak? o sadyang baliw ka lang? Di ka nakabangon sa kama mo. Akala ko nga e, ayaw mo lang talaga pumasok. Yun pala e mataas na lagnat mo."
"Impossible yun Ma! Pramis cross my heart hope to die. Nasa sakayan talaga ko ng jeep kanina" Sumagot ulit ako ng may mas OA na reaksyon.
Nagtawanan si Lola at Mama at nainis naman ako.
Kinapa ko ang bulsa ng short ko. Pinakita ang panyo.
"Eto oh! binigay sakin to nung lalake kanina. tignan niyo pa may dugo!" Naiinis kong sagot.
"Ha? Anong dugo ka d'yan? Saan? HAHAHAHA. Ano ba naman yan kat-kat. Matulog ka na nga muna. Sleeptight." sabi ni mama.
Tumawa ulit silang dalawa at umalis sa kwarto ko. tinignan ko ang panyo.
"Totoo nga, puti. puting panyong binigay ni Daniel. pero bat wala ang dugo? Ni mantsa wala? Walang kabakas bakas." nakakunot ang noo ko habang sinasabi.
"Baket ganon? Panaginip lang ba ang pagkakakilala namen ni Daniel? Pero hindi. Totoo yun. Nalaman ko pa nga ang pangalan niya. Pinunasan niya pa ang dugo ko sa ilong. Ngumiti pa siya. Sumakay ng jeep at umalis."
Hinawakan ko ang ulo ko. Nalilito sa mga nangyayare.
Nice to meet you Mr. Dream Guy. (?)
BINABASA MO ANG
45 days. (Finished)
Fiksi RemajaThis is a story of a girl who kept on dreaming about a guy, she had no idea who he was, or where he was. Until one day, she met the "guy of her dreams" but in a setting far from her expectations & dreams. Will she continue to believe that their "dr...