Flashbacks.

14.9K 182 34
                                    

Pumasok ang nurse at ininjectionan ako. Dahan-dahan akong kumalma. Kahit na gusto kong sumigaw ng malakas, hindi ko magawa..

Nagising ako sa banaag ng liwanag na sumisilip sa bintana ng kwarto ko.

"Umaga na.." bulong ko sa sarili ko habang nakatungo.

"Good morning Miss Kathy. Buti nakatulog ka ng maayos." magiliw na bati ng nurse.

"Ibig sabihin po ba, hindi po kame nakauwe kahapon?" tanong ko.

"Oo. Naging mabigat ang sitwasyon kahapon, kaya mas minabuti ni doc na dito ka muna magpahinga kagabi. Miss kathy alam ko ang lahat ng nangyare. Alam kong mabigat para sa'yo ang lahat pero ginawa yun ni Sir Daniel, yung donor nyo, para maging ok ka na. Para maging masaya ka." sabi ng nurse habang inaayos ang bulaklak sa vase.

"Kilala mo si Daniel?" tanong ko.

"Nung nakaconfine ka nung mga nakaraang araw, palagi ko siyang nakikita dyan sa labas ng pinto." sagot ng nurse.

"Hindi sya pumasok sa kwarto kahit isang beses? Hindi niya ko dinalaw?" naiiyak na tanong ko.

" *iling* pumasok sya sa kwarto ng isang beses. Magdadala sana ako ng gamot mo nun. Tapos ayun, nakita ko siyang kinakausap ka habang tulog ka." sagot ng nurse.

*Flashback*


Lumapit ako sa kanya. Pinilit ang sarili na makita ang mukha niya pero ang tanging naaaninag ko lang ay ang kanyang labi at ang kanyang ngiti.

"Kat."

"Isang pamilyar na boses.." lumingon ako sa paligid pero di ko makita ang tumatawag sakin.

"Magpahinga ka ng maigi Kat.."

"Nasaan ka? Sino ka?" lingon sa kanan at kaliwa pero di ko pa din siya makita.

 "Alam mo, may nalaman akong malungkot na balita ngayon pero alam mo.. Gagawin ko ang lahat para makita mo ulit ang liwanag."

"Sino ka ba?? Kung sino ka man, magpakita ka." pasigaw na sabi ko.

"Kat.. May isang tao sa buhay mo na nagsisilbing araw na nagbibigay ng matingkad na liwanag sa'yo.. Pero alam mo.. Mas pipiliin kong magsilbing bituin sa buhay mo.. Alam mo kung bakit? Para mabigyan kita ng liwanag sa gitna ng pinakamadilim mong oras kapag wala na ang araw."

Tinignan ko ang lalake sa bawat panaginip ko. Siya ba ang nagsasabi ng mga salitang yun? Dahan-dahang tumalikod sa kin ang lalakeng iyon. Napakalayo niya sa kin.. Hindi ko na siya matanaw sa layo niya...

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon